Jazz Ocampo laughs off entanglement in Kiko Estrada-Barbie Forteza romance

IMAGE Noel Orsal

Jazz Ocampo is stressing out over her impending love scenes with Kiko Estrada in Sinungaling Mong Puso. She shares, "Nakakakaba. Kailangan ko lang siguro na mag-prepare ng husto, yung ihanda ko ang sarili ko sa ganyang mga eksena… ma-convince ko ang sarili ko na ready na ako."


Ang Kapuso young actress na si Jazz Ocampo ang bini-build up na katambal ni Kiko Estrada sa bagong teleserye ng GMA Network na Sinungaling Mong Puso.

Unang pinagtambal ang dalawa sa dating primetime series ng GMA Network na That’s My Amboy.

Pero kahit na si Jazz ang ipina-partner kay Kiko, si Barbie Forteza naman ang parating tinatanong sa young actor, lalo na’t umamin itong nagde-date na sila ni Barbie.

Sabi ni Jazz tungkol dito, “Wala naman po akong magagawa kung si Barbie ang parating tinatanong kay Kiko.

“Nataon kasi na yun ang issue na sumabay dito sa teleserye namin ni Kiko.

“Okey lang naman iyon kasi magkaibigan kami ni Barbie, pero hindi ako nagtatanong tungkol sa kanila ni Kiko.

“Kung anuman meron sila ngayon, I’m happy for both of them, kasi mga kaibigan ko sila.”

ROMANCE THE SET. Noong ginagawa nila ang That’s My Amboy, clueless daw si Jazz na pinopormahan na pala ni Kiko si Barbie.

“Wala po talaga akong alam.

“Nagulat din po ako noong after ng show namin, may lumabas ng balita about them.

“Kasi sa iisang tent lang kami ni Barbie, nagkukuwentuhan naman kami.

“Sila Kiko kasi, sa ibang tent naman sila.

“Minsan nagkakasama kami kapag kumakain. Pero wala kaming napansin talaga.

“Magaling lang silang magtago siguro!” sabay tawa ni Jazz.

Never ba siyang pinormahan ni Kiko? Baka naman binasted niya ito agad kaya nabaling ang pagtingin nito kay Barbie?

Tanggi ni Jazz, “Ay, never po naman nagpahiwatig sa akin si Kiko.

“Kahit na parati kaming magkaeksena, professional lang siya.

“Baka mas type lang niya talaga si Barbie kesa sa akin.”

DISCOMFORT ZONE. Sa Sinungaling Mong Puso ay gagampanan ni Jazz ang role na Hannah, na unang ginampanan ni Aiko Melendez sa 1992 film version nito.

Hindi pa raw napapanood ni Jazz ang naturang movie. Mas gusto raw niyang huwag na lang itong panoorin para hindi niya magaya ang naging performance noon ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi lang nila sa akin yung character ni Hannah na isa itong spoiled brat, selosa, at mapagdudang asawa siya.

“Lahat ng iyon ay hindi ko pa nagagawa talaga sa isang teleserye.

“Kumbaga, wala siya sa comfort zone ko when it comes to acting.

“Kaya malaking challenge ito for me kasi demanding ang role, magkakaroon ako ng confrontation scenes with Rhian Ramos.

“Gusto ni Direk Ricky [Davao] ay ibigay ko ang lahat kasi magagaling ang mga magiging kaeksena ko.

“I will definitely give it my best. Ayoko pong mapahiya sa kanila,” sabi ni Jazz.

May mga intimate scene si Jazz with Kiko dahil magiging mag-asawa sila sa istorya.

Pero alinlangan pa rin daw si Jazz na gawin ang mga eksenang maghahalikan sila ni Kiko.

Sabi niya, “Nakakakaba po pero marami namang paraan para magawa yung eksena, puwede namang dayain, di ba?

“Noong sinabi nga sa akin na may mga ganyang eksena, parang kaba na ako agad kasi parang hindi pa ako ready.

“Alam din naman ni Direk Ricky na may limitations pa ako.

“Kapag siguro kukunan na yung scene, doon kami mag-uusap ni Direk Ricky.

“Kailangan ko lang siguro na mag-prepare nang husto, yung ihanda ko ang sarili ko sa ganyang mga eksena.

“Kailangan ma-convince ko ang sarili ko na ready na ako para sa mga ipapagawa sa amin ni Direk Ricky.

“Ayoko naman kasing may magsabi na nag-iinarte ako.

“Gusto ko po itong ginagawa ko at pinagdarasal ko talaga na mawala ang mga nararamdaman kong kaba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN