PEP EXCLUSIVE. Miss Universe 2016 in the Philippines is almost a done deal, says DOT Usec Kat de Castro

IMAGE Kat de Castro / Miss Universe on Facebook

Ngayon pa lang daw ay buhos na ang suporta ng private sectors sa Department of Tourism sa gagastusin para sa Miss Universe 2016 pageant, sakaling matuloy na nga ito sa Pilipinas. Wala raw gagastusin ang gobyerno sa proyektong ito, ayon pa kay DOT undersecretary Kat de Castro. Sa Lunes, July 18, na ang courtesy call ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay President Rodrigo Duterte para pag-usapan ang tungkol dito.


Sa Lunes, July 18, magaganap ang courtesy call ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay President Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Makakasama ni Pia na pupunta sa Palasyo ang mga opisyales ng Department of Tourism (DOT).

Ito ay kaugnay ng kagustuhan ni Pia na maidaos ang Miss Universe 2016 sa Pilipinas.

Ayon kay DOT Undersecretary Kat de Castro sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, July 15, kung sila ang tatanungin ay 100 percent sure nang sa bansa gaganapin ang Miss Universe sa January 2017.

Patuloy niya, “But then, it all depends on the president.

“But the private sector, they’re pushing it talaga.

“Kung alam niyo lang, araw-araw, walang tigil yung telepono ko, ‘Ma'am, paano ba kami makapasok sa Miss Unvierse?’”

Kaya bang i-cover ng private sector ang tinatayang $10 to 12 million na gagastusin sa pageant?

Tugon ni Usec De Castro, “Yeah, yeah. It’s feasible for them.”

THE PROJECT. Paano ba nagsimula ang planong sa Pilipinas muling gawin ang Miss Universe?

Dalawang beses nang naging host ang ating bansa sa itinuturing na pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo; una noong 1974 at pangalawa noong 1994.

Pahayag ng DOT undersecretary, “Hindi lang naman ako yung nagpursige, e.

“Kasi isa sa mga malalapit kong kaibigan si Jonas Gaffud, yung manager ni Pia Wurtzbach.

“Since nung nanalo si Pia, laging nami-mention ni Pia sa kanya na gusto niyang mag-Miss Universe 2016 dito sa Pilipinas.

“Kasi, di ba, last time na nagkaroon ng Miss Universe dito, 1994 pa?

“So, para sa isang bansa na katulad natin na mahilig sa beauty pageants, parang long overdue na.

“And then, isang beses nagkita kami ni Jonas, na-mention sa akin ni Jonas yun.

“Pero nung sabi ko, nung time na yun, iba pa yung president, si PNoy [President Noynoy Aquino] pa.

“Sabi ko, wala akong kakilala na puwede kong ilapit yung project na ‘yan.

“Siyempre nagkaron ng election, naging busy din ako sa kampanya para kay Duterte, eventually nanalo si President Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun na nga, naitalaga ako sa Department of Tourism, and then na-bring up ulit ni Jonas.”

Bukod kay Pia, gusto rin daw ng presidente ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart ang planong ito.

“Malapit din kay Paula yung Pilipinas, kasi apparently, yung tatay niya, minsan nang na-station sa Subic bilang sundalo noon.

“So, nakarating na siya nung bata pa siya dito.

“Siyempre, bilang bago pa lang naman ako sa DOT nun, hindi ko alam kung paano sasabihin kay DOT Secretary Wanda Teo.

“Nung isang meeting lang, bigla kong nasabi na, ‘Maa’m, kausap ko po yung Miss Universe, parang they were looking for options of having the pageant here in our country.’

“Kasi, isa sa mga gusto ni Pia, ipasa niya yung korona niya sa successor niya sana sa Pilipinas.

“Kasi alam naman natin yung nangyari last time, di ba, parang hindi siya nabigyan ng proper walk-off.

“Dahil biglang kinut sa ere pagkapatong ng korona sa ulo niya.

“So, parang gusto ni Pia na dito gawin.”

THE APPROVAL. Nagustuhan naman daw agad ni DOT Secretary Teo ang ideya na dito sa Pilipinas ganapin ang Miss Universe 2016.

Sabi pa ni Usec De Castro, “And then, kami ni Jonas, nag-set up na kami ng meeting with Miss Universe Organization and yung grupo ng DOT.

“That was June lang, e.”

Paano nakarating kay President Duterte ang plano?

Paliwanag niya, “Remember yung kanyang inauguration, tapos yung first cabinet meeting, nagtanong ata si President Duterte sa mga cabinet secretaries, ano yung mga projects.

“And nung tinanong na si DOT Secretary, sinabi niya yung Miss Universe.

“Tapos sabi daw ni President Duterte, ‘A, ganun ba? Mukhang okay ‘yan, a.’

“Pero siyempre, pinapatanong niya kung may budget para doon.

“So, yun yung pinag-aaralan pa hanggang sa ngayon.

“Pero dahil sa dami na rin ng private sectors na gustong pumasok at mag-sponsor, sa palagay ko wala nang ilalabas na budget ang Department of Tourism, ang mangyayari na lang, ang DOT na lang ang magpapa-facilitate in terms in determining where the girls will go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, di ba, pag Miss Universe, we showcase the different destinations of the Philippines?

“So, kami na lang mag-determine kung saan sila mag-stay, kami yung pickup nila sa airport, kami magdadala sa mga probinsiya.”

THE PREPARATION. Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na ng DOT ang malaking proyektong ito.

Katunayan, masaya ang mga taga-DOT sa suportang nakukuha nila mula sa private sectors ngayon pa lang.

Ayon kay Usec De Castro, “Maging mga mga airlines, tumatawag na, ‘O, kami yung exclusive, ha.’

“Excited sila, kasi apparently it’s a good marketing tool for tourism, especially now with social media.

“I think there would be around 120 candidates coming over, for the first time ay may Miss Iraq daw.

“Tapos meron atang ibang countries na matagal nang hindi sumali, babalik sila for the Philippines.

“Hindi ko alam kung because of the Philippines or marami lang ngayon ang may interes sa beauty pageants.”

Ilan daw sa mga isu-showcase ng bansa sa pageant ay ang Davao, Palawan, Boracay, Cebu, Ilocos Sur (Vigan), at Metro Manila.

Handang-handa na ba sila sakaling tuloy na ang Miss Universe sa bansa?

Tugon niya, “Oo, kasi alam mo yun, kapag napirmahan na ni President yung executive order, e, ready na kami.

“Kaysa naman pag napirmahan, e, hindi kami ready, e, di magahol kami sa oras.

“Lalo na ang Miss Universe, sa January na ‘to.”

Gaano kalaki ang maitutulong sa turismo ang pagdadaos ng Miss Universe dito sa Pilipinas?

Saad ni Usec De Castro, “I think it will be a lot.

“Kasi, you know, according na rin kay Jonas... matagal na siyang nagpupunta sa Miss Universe, e.

“Pag ang isang kandidata na lalahok, talagang dumadagsa dun sa bansa na yun.

“So, parang one candidate will be bringing in, I don’t know, 50 tourists.

“May kanya-kanyang factions 'yan, e.

“So, dun pa lang sa mga candidates at mga pageant aficionados, sa mga fans ng beauty pageants talaga, apparently they will come to the Philippines just to watch Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi it's one of the most prestigious event, e, pagdating sa larangan ng beauty pageant. Kumbaga, 'yan yung pinakamataas.

“So we are looking also at that.

“And, at the same time, sa social media na din, dun sa ibinigay sa amin ng Miss Universe na media mileage.

“Apparently, kapag Miss Universe, marami talaga ang manunood.”

OTHER CONCERNS. Saan naman gaganapin ang pageant kung sakali?

Tugon niya, “MOA Arena, Philippine Arena.

“Kasi you want to make a big impact to the world.

“Kapag Miss Unvierse, maraming tao, so we want, ambitiously speaking, I would like it to be in the Philippine Arena, na parang AlDub Nation ang dating.

“But then again, it’s too far, it’s in Bulacan.

“But then again, it all depends on the bidding and all that.

“We can only start bidding the venue once the president signs the executive order.”

May TV station na ba silang napipisil na mamahala sa broadcast nito?

Sagot ni Usec De Castro, “Wala pa. The private sector would want it na ipa-bid sa iba’t ibang stations or for everybody to air it, so parang gift na lang to evey Filipinos.

“Parang sa Pacquiao na laban. Sa Pilipinas, tatlo lang naman ‘yan: basketball, beauty pageant or boxing.

“So, parang it’s something that you should share to Filipinos also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN