Anino Sa Likod ng Buwan producer appeals not to patronize online piracy

Anino Sa Likod ng Buwan producer Perci Intalan: "Sana huwag na nilang i-patronize yung online piracy kasi nakaka-damage hindi lang sa aming producers kundi sa movie industry mismo. Tapos yung iba isine-share pa sa social media like sa Facebook. This appeal is not only for our movie kundi para sa lahat ng local films lalo na iyong lalabas pa lang." Anino Sa Likod ng Buwan is directed by Jun Lana and stars LJ Reyes, Luis Alandy, and Anthony Falcon.


Nangangamba ang direktor at producer na si Perci Intalan dahil apektado ng matinding film piracy ang commercial release ng critically-acclaimed at award-winning movie nilang Anino Sa Likod Ng Buwan, na idinirek ni Jun Lana.

Ang IdeaFirst Company nina Perci at Jun kasama ang Octobertrain Films ang co-producers ng nasabing pelikula.

Pahayag ni Perci, “Bale naghahanap kami ng schedule sa mga cinemas para ma-release commercially yung movie.

“Na-approve na kami ng MTRCB, R-18 pero at least without cuts.

“Kasi alam naman natin yung material very sensitive. Tapos Graded A siya.

“Kaya lang nagkakaroon kami ng konting problem kasi itong mga pirate.

“May lumabas sa mga site na nagsasabing they have our film.

“Actually, ganyan nga yung nangyari sa The Achy Breaky Hearts ng Star Cinema, na isine-share pa sa Facebook.

“Kami ang weird, kasi yung site na nagke-claim na puwede mong mapanood yung Anino Sa Likod Ng Buwan, pero pag klinik mo dead link naman.

“Ang problem, yung ibang bookers siyempre nag-aano… nag-aalala rin na baka nai-release na sa iba pang sites.

“So, iyon ang problem namin now.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Perci sa telepono noong July 14.

Maski nga raw ang asawa niyang si Direk Jun ay nag-aalala. Kahit na raw kasi mayroon copyright law ay hindi pa rin lubusang napoprotektahan ang movie producers.

“Nag-uusap nga kami ni Jun. Sabi niya, ‘Nakaka-frustrate itong issue sa piracy kasi parang hindi siya naa-address.’

“Pang-ilan na kaming biktima? Ano ‘to?

“Nanganganib tuloy yung theatrical release namin dahil lang doon.”

CINEMAS SUPPORT THEIR MOVIE. Kung tutuusin daw, suportado naman ng theater owners at bookers na nakausap nila ang Anino Sa Likod Ng Buwan.

Kaya nga lang, biglang naglabasan ang websites na nagke-claim na puwedeng mapanood nang libre ang naturang pelikula.

Saadn ni Perci, “Wala sanang problema, e. Kasi full-support naman sila sa amin, e, mababait naman yung theater owners at saka yung bookers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hopefully maayos namin ito.

“Sinabi naman namin na ito ay limited release lang, e. Hindi naman kami pang-one hundred cinemas.

“At siyempre iba yung market ng pelikulang ito, e.

“So, ang habol lang namin maipalabas siya sa kahit ilang sinehan.”

Positibo pa rin naman daw si Perci.

“Sana talaga maipalabas na sa mga sinehan.

“Right now, naghihintay pa kami ng desisyon nila.

“Sinabi lang ng bookers yung concern nila, pero ginagawan pa rin nila ng paraan na makahanap ng playdate.

“Ang ibinibigay nga nila next week na. Medyo mabilisan pero alam ko naman na mahirap maghanap ng schedule, e.

“Actually, matagal na sana kami naka-schedule.

“Kung hindi lang lumabas yung issue sa piracy, baka mabilis na sana silang umoo, e.

“So, maglalabas na lang kami ng announcement once ma-confirm na namin ang schedule at kung saang cinemas ipalalabas ang Anino Sa Likod Ng Buwan.”

APPEAL TO PEOPLE. Umaapela tuloy ngayon si Perci sa mga tao na sana ay huwag tangkilikin ang online piracy.

Aniya, “Humihingi kami ng suporta sa mga tao please do watch the movies sa cinemas during theatrical release.

“Sana huwag na nilang i-patronize yung online piracy kasi nakaka-damage hindi lang sa aming producers kundi sa movie industry mismo.

“Tapos yung iba isine-share pa sa social media like sa Facebook.

“This appeal is not only for our movie kundi para sa lahat ng local films lalo na iyong lalabas pa lang.

“Ang masakit pa nito, ang lalong tatamaan yung mga indie, kasi yung mga mainstream naman kasi gagawin yung pelikula diretso release, e.

“Kami sa indie, gagawa ng pelikula, magkakaroon ng special screening o isasali sa film festivals, and then saka pa lang iko-commercial release.

“So, if somebody gets a copy o napirata na, parang pinatay mo na yung chances ng pelikula na mag-theatrical release.

“Kasi sa aming producers this is our chance, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung walang theatrical release, wala talagang kikitain. Paano pa kami gagawa ulit ng pelikula?

“So, I hope the people realize yung impact nito sa industry natin.”

LJ REYES. Sa pananaw pa ni Perci, muling nagkainteres ang mga pirata sa pelikula nila matapos manalo ng Best Actress ni LJ Reyes sa Gawad Urian kamakailan.

Si LJ ang isa sa mga bida ng Anino Sa Likod ng Buwan, kasama sina Luis Alandy at Anthony Falcon.

“I think iyon yun nang manalo si LJ napansin ulit yung pelikula. So, yung ibang mga tao, gusto siyang mapanood.

“Kaya ayan na, naglabasan na yung mapapanood mo siya sa site na ito, sa site na ganun.

“Pero yung mga pinuntahan namin na site, it’s a dead link. Tina-try namin, ayaw talagang mag-play.

“Kaso nga lang, nandoon yung posters, may trailer pa.

“At saka siyempre hindi naman namin mata-track lahat ng sites, di ba?”

Pero hindi maitago ang pagiging proud ni Perci sa pagkapanalo ni LJ.

Sabi niya, “Well, I really feel good about it. Kasi pinaghirapan din naman niya.

“Ang hirap nung pelikula na gawin. Nahirapan din sina LJ, Luis and Anthony.

“Para kang nag-memorize ng buong play, e. Ang haba pa ng naging rehearsal nila.

“Tapos may pisikal pa, tapos may love scene ka pa.”

DEMENTIA EXPERIENCE. Ikinuwento pa ni Perci ang naging experience nila dati sa pelikulang Dementia starring Nora Aunor.

Naapektuhan daw ang pagsali nila sa isang international film festival dahil sa piracy.

“Ang masama nito, nangyari na rin ito sa akin sa Dementia sa film festival sa Portugal. Dati mayroong nag-upload, kinunan yata sa sinehan.

“Tapos lalabas ako sa Fantasporto Oporto International Film Festival sa Portugal.

“Alam mo, nag-hesitate sila. Sabi nila may lumalabas na online.

“So, I have to explain, sabi ko, ‘That’s not an official release. So, I hope you don’t penalize us for something that we are actually the victim.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buti naman they understood, kasi siyempre siguro hindi nila alam yung sitwasyon sa atin.

“So, iyon ang damage na nagagawa ng piracy.”

Piracy din daw ang dahilan kaya hindi na sila naglabas ng DVD ng Dementia at Barber’s Tales.

“May nagtatanong nga sa amin bakit hindi kami naglabas ng DVD ng Barber’s Tales at Dementia.

“E, kasi, the moment na inilabas mo yung DVD, ang dali na niyang i-pirate.

“May isa lang bumili, iyon na iyon, wala na, hindi mo na siya kontrol. Paano pa mabebenta yung original?

“Tapos makikita mo na yung pirated copies ng pelikula mo sa bangketa o di kaya naka-upload na sa website.

“Sana talaga matigil na ito.”

UPDATE. Habang isinusulat namin ito ay nagbigay ng update si Perci tungkol sa pagpapalabas ng Anino Sa Likod ng Buwan.

Ibinalita niyang kumpirmado nang ipalalabas ang kanilang pelikula sa Gateway Cinema at Gaisano Cinemas sa Davao (Tagum, Toril, at Digos) sa July 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN