Bea Alonzo on ex-BF Gerald Anderson: "He's a better person now, aside from the fact that he's cute."

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo notes the positive changes in ex-boyfriend Gerald Anderson: "Ako, natutuwa ako na makita na talagang nag-mature si Ge, sobra. Ang ganda ng growth niya. Alam mo na may mga natutunan siya sa mga pinagdaanan niya."


Walang definite na sagot na maibigay si Bea Alonzo nang matanong kung posible bang magkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Ngayon kasi ay okay na ulit sila, pareho silang single at nagkatrabaho pa sa pelikulang How To Be Yours ng Star Cinema.

Saad ni Bea, “Hindi ko po masabi, e. Hindi ko po alam.

“Hindi naman po iyan ang iniisip namin.

“Ngayon, we’re just working on a project together na sobrang nag-e-enjoy kami.

“And I must admit nag-e-enjoy talaga akong kasama siya, like sometimes I look forward going to the set to see him, to see Direk [Dan Villegas].

“So, parang hindi ko kayang pumunta pa doon [sa balikan] as of now.

“Gusto ko lang i-embrace kung ano yung nararamdaman ko ngayon, and that is enjoying every moment right now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Bea sa presscon ng How To Be Yours kagabi, July 15, sa ABS-CBN Center Road.

Hindi rin masabi ni Bea kung love is lovelier the second time around dahil hindi pa raw niya nasusubukan na makipagbalikan sa sinuman sa naging ex niya.

Kaya hindi talaga niya masagot kung posibleng makipagbalikan siya sa naging karelasyon niya dati.

Dagdag niya, “Sa akin, hindi pa po siya nangyari.

“Ang hirap kasing sagutin iyan. Ang hirap magsalita nang tapos.

“Pero hindi ko pa po siya napagdadaanan. Hindi pa siya dumarating sa buhay ko.”

Hindi pa niya naiisip kung kakayanin niya?

“Hindi ko pa alam, e. Hindi ko pa alam.”

WEIRD FEELING. Ang How To Be Yours ang kauna-unahang pagtatambal nina Bea at Gerald sa pelikula. Kumusta naman ang unang pagsasama nila?

Kuwento ng Kapamilya actress, “Noong una, to be honest, sobrang weird niya.

“First day, sobrang weird ng feeling, kasi hindi naman kami sanay na nakikita niyong lahat together dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, it’s for work. It’s not supposed to be weird, but it was.

“So, siguro nagru-root iyon sa hindi nga kami sanay na kausap ninyo lahat na magkasama.

“Dati, lahat parang nae-evade, di ba?

“But now, sobrang kumportable na namin sa isa’t isa.

“At sana makita niyo yun sa pelikula pag pinanood niyo.”

Nagkaroon ba ng hesitation na tanggapin ang pelikula considering na may past relationship sila?

Saad ni Bea, “Dati pa kami actually dapat magtatrabaho together.

“Lagi lang hindi natutuloy. Siguro ngayon talaga yung right timing.

“Sa akin naman po, wala namang problema kahit na sino ang makatrabaho ko.

“Laging nagdedepende naman iyan sa story, sa character na ibibigay sa akin, kung ano ang nararamdaman ko ng pagkakataon na iyon.”

ADMIRING GERALD NOW. Masaya naman si Bea sa mga pagbabagong nakikita niya kay Gerald ngayon.

“Ako, natutuwa ako na makita na talagang nag-mature si Ge, sobra.

“Ang ganda ng growth niya. Alam mo na may mga natutunan siya sa mga pinagdaanan niya.

“Kasi parang nakakalungkot naman kung halimbawa you have gone through a lot of things in life and yet wala kang natutunan, di ba?

“Parang siya, nakita ko yung kung mayroong scars, yung ang beautiful lang ng scars.

“Alam mo na from ebidensiya, alam mo na ang dami niyang natutunan.

“So, mas naa-admire ko siya ngayon for that.

“And that he’s a better person now, aside from the fact that he’s cute,” papuri ni Bea sa leading man.

LOVE SCENE. Samantala, natanong naman ng PEP si Bea kung may love scene ba sila ni Gerald sa How To Be Yours.

Sagot niya, “Meron.

“Kasi ano siya, e, istorya siya ng isang relasyon, anatomy of a relationship nga.

“So, meron.”

Paano nila pinaghandaan at hinandle ang love scene na ito?

“Noong una, kabang-kaba ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre naman, pag eksena namang ganyan, lalo na kapag babae ka, nakakakaba naman talaga.

“Pero eto na yata ang pinaka nakakatawang love scene na nagawa ko. Kasi bigla na lang siyang magma-macho dance na ganyan.

“So, talagang matatawa ka na lang, kaya ang light lang ng approach.

“Nung ginawa niya yung macho dancing, mas naging kumportable ako, mas naging fun na siya,” masaya niyang lahad.

Para ba kay Bea ay mas yummy si Gerald ngayon physically?

“Ay naku! Pag napanood niyo sa movie, eto yung fittest niya, hottest!” natatawa pa niyang pagkumpirma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN