Polo Ravales airs grievance over GMA-7's 'freeze' treatment

Polo Ravales feels sad that despite having been a loyal Kapuso, the management can't seem to justify why he has not been given any work opportunities for the longest time. He says, "Pag may bagay na role daw. And it took, you know, months, months, months. Hanggang sa, I was praying, na siguro, iba ang para sa akin. Maybe pag may nakasaradong pinto, baka may magbubukas na bago, and ito yun, itong ABS."


Naglabas ng kanyang saloobin ang aktor na si Polo Ravales kaugnay ng pag-alis niya sa poder ng GMA Network, kung saan dati siyang nakakontrata.

Ang huling proyekto niya sa Kapuso network ay ang primetime series na Kambal Sirena, na nagtapos noong June 2014. Bida rito sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes.

Sabi ni Polo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tagal na nun!

“Biro mo, si Aljur, na-suspend na sa GMA, nakabalik na sa GMA, ganun na siya katagal, ganun katagal na.”

Sa ngayon ay sa Doble Kara ng ABS-CBN napapanood si Polo.

Ngunit paglilinaw niya, “Hindi naman ako under ABS talaga. Per show ako, e.

“But I have a regular show with them, yung Doble Kara, which was just a month ago.

“Pero nagge-guest na ako sa kanila. Last year sa Maalaala Mo Kaya tsaka Ang Probinsyano.”

DISAPPOINTMENT. Pagkatapos ng Kambal Sirena ay wala nang regular show na naibigay sa kanya ang GMA-7.

Masama ba ang loob niya sa GMA Network na ganun katagal siyang walang show?

“Yes. Yes, sumama ang loob ko.

“A... hindi sumama ang loob, e, hindi masama ang loob ko,” bawi niya sa nauna niyang pahayag.

Nagtampo ba siya?

Sabi ni Polo, “Hindi naman tampo. It’s just that I was…

“It’s more of ako, sa sarili ko. Parang, ‘Did I fail as an actor?’”

Dumating daw sa puntong tinatanong niya ang sarili kung mayroon ba siyang pagkukulang bilang aktor.

Paliwanag niya, “For myself, yes, for myself.

“Parang, 'Bakit hindi ako nabibigyan ng TV show sa GMA? Hindi naman ako naging pasaway, I think I can act.'

“Character, bigyan mo ako ng kontrabida, kaya ko; bigyan mo ako ng bida role, kaya ko naman.

“Nagtataka ako sa sarili ko. Actually, more of sa sarili ko, kung bakit.

“Parang, 'Ano kaya yung kulang ko as an actor, nung nasa GMA ako?'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG WAIT. Wala ba siyang kinausap noong mga panahong nagtatanong siya sa sarili kung ano ang problema?

Ayon kay Polo, “I talked to Tita Lilybeth [Rasonable], before ako magkaroon ng... before ako tumanggap ng show sa ABS.”

Ano ang tinanong niya sa GMA lady executive?

“Naghahanap ako ng TV show.”

Ano ang sagot sa kanya ni Ms. Lilybeth?

Saad niya, “Pag may bagay na role daw. And it took, you know, months, months, months.

“Hanggang sa... I was praying, na siguro, iba ang para sa akin.

“Maybe pag may nakasaradong pinto, baka may magbubukas na bago, and ito yun, itong ABS.

“And yun nga, iyon actually yung parang, alam mo yun, parang nare-relate ko siya kay Hercules, e.”

Si Polo ang gaganap na bida sa musical play na Hercules: The Valiant Warrior Of Thebes na produced ng Fullblast Productions.

Mapapanood ito sa September 15, 16 & 17 at 10 AM, 2 PM & 7 PM sa Star Theater sa CCP Complex.

Patuloy ni Polo, “Kasi, di ba, si Hercules malakas siya, alam niya malakas siya.

“Ganun din ako sa sarili ko. Alam kong I can act, kaya kong sumabay sa mga character actors sa GMA.

“Pareho kami, pareho kaming may hardship, tapos may struggle.

“But in the end, you will find a way para makuha mo kung ano yung gusto mo.”

At nakuha niya iyon sa ABS-CBN?

“Yes, nakuha ko sa ABS yung gusto ko.

“I think maganda yung role na ibinigay nila sa akin and I’m so very, very thankful na binigyan ako ng show ng ABS,” pagpapasalamat niya.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Polo sa presscon ng Hercules: The Valiant Warrior of Thebes, sa Garage 88 Bar, sa Bonifacio Global City, nitong Biyernes ng gabi, July 15.

LOYAL KAPUSO. Matagal na raw natapos ang kontrata ni Polo sa GMA.

Detalye niyang kuwento, “Yung Kambal Sirena, wala na akong kontrata nun. Hindi na ako ni-renew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero actually, nung pinasok ako sa Kambal Sirena, hindi ko in-expect yun, kasi nga wala na akong kontrata.

“Akala ko matatagalan ako, e.

“Pero kasi nanggaling ako sa isang show [Pyra: Ang Babaeng Apoy], tapos Kambal Sirena agad.

“Tapos nun, ang ine-expect ko, dahil kakatapos ko lang sa Kambal Sirena, ine-expect ko, siguro magpapahinga ako ng mga four months, five months.

“But umabot siya ng taon.

“So, dun na ako nag-start na, yun na, dun na ako nag-start na parang I was asking myself, 'Did I make the right choice to stay with GMA?'

“I mean, in my heart and my soul, I was... you know, I was loyal with GMA.

“Kasi natatandaan ko, nung nasa GMA ako, kinukuha ako sa Pasion De Amor, pero nung time na yun, nasa Kambal Sirena ako.

“You know, parang nag-iisip ako, parang tama ba yung mga nagawa ko, naging magaling ba akong artista sa GMA para matagalan na mabigyan ako ulit ng TV show?

“So, maybe ano... I dunno, baka merong hindi pa nakikita ang GMA para sa akin. I dunno.”

KNOWS HIS WORTH AS ACTOR. Iyon ang sagot na nahanap niya sa tanong niya kung bakit matagal siyang hindi nabigyan ng show ng GMA-7?

Kibit-balikat ni Polo, “Kasi wala akong ibang sagot.

“Wala akong ibang masagot, e, wala akong ibang sagot.

“Kasi pag nanonood ako ng mga shows ng GMA, nanonood ako as an audience, hindi as Polo Ravales.

“When I watch a TV show, I watch as an audience, not as an actor.

“Pero siyempre, hindi mo maaalis na naku-compare mo yung sarili mo sa napapanood mo.

“And for me, modesty aside, I think I have an edge in GMA or in any other network.

“Kasi I can act, like kahit anong character, either mabait or masama.

“But, yun nga, matagal akong nawala, na nabakante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hanggang ngayon ay wala pa ring sagot sa tanong niya?

“Wala, e. Wala, e.

“Wala, wala akong sagot sa tanong ko, kung bakit,” dismayado niyang pahayag.

DISAPPOINTED ABOUT EXCLUSION IN ENCANTADIA REQUEL. Ikinagulat daw ni Polo na nasa Encantadia requel ang dati niyang co-stars na sina Sunshine Dizon (bilang si Adhara) at Dingdong Dantes (bilang Raquim).

Si Polo ang gumanap na Hitano sa Encantadia noong 2005.

Si Pancho Magno naman ang gaganap na Hitano sa Encantadia requel na mapapanood na sa Lunes, July 18.

Saad ni Polo, “Sinabi ko pa nun sa meeting na I heard gagawin ulit ang Encantadia.

“I was telling Tita Lilybeth na I would love to be part of it kahit ibang role. I would love to be part of it.

“Ang sabi niya sa akin, hindi naman daw nag-uulit ng artista.

“But then again, nagulat ako nandun si Sunshine and Dingdong.

“As in gustung-gusto ko talagang magkaroon ng role kahit ano lang sa Encantadia.

“Kasi, you know, dun ako nagsimula, e.

“I mean, dun pa yung time na kaputukan ng career ko, e.”

Sa puntong ito na may kinalaman sa Encantadia, sumama ba ang loob niya na hindi siya napasama sa requel ng show?

Sabi ni Polo, “Hindi naman sumama yung loob ko, nalungkot lang ako na hindi ako nabigyan ng role.

“Actually, yung Encantadia kasi, ano na 'yan, e...

“Para sa akin naman, mahirap naman talagang magbalik ulit ang isang artista sa dati niyang show na ginawa, e.

“So it is what it is.

“And, you know, I’m now focused sa ABS.

“Kung anong ibinibigay na show sa akin ng ABS, I give it my best shot.”

Co-managed si Polo ng director/talent manager na si Manny Valera at ng Viva Entertainment.

Sila raw ni Direk Manny ang nakipag-usap noon sa GMA tungkol sa career ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit pa niya, “Pero baka siguro for them, walang bagay na role para sa akin kaya hindi ako nabibigyan ng show.”

Kung matapos ang Doble Kara at offer-an siya ng show ng GMA, tatanggapin niya?

“A… depende. Depende siguro sa role.

“Pag mas maganda yung role na ibibigay sa akin ng ABS, I’ll stay with ABS,” pagwawakas niya.

Ed's Note: Bukas ang PEP sa pamunuan ng GMA Network kaugnay ng naging pahayag ni Polo sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN