Gabbi Garcia wisens up after prima donna issue

IMAGE Noel Orsal

In the aftermath of the prima donna issue where she had a misunderstanding with a group of dancers, Gabbi Garcia says she's ready to face bigger intrigues: "Oo naman, medyo round one pa lang 'to. Okey lang na iniyak ko muna siyang lahat. At least next time, alam ko na yung pain kung gaano siya kasakit."


Habang sinisimulang gawin ni Gabbi Garcia ang Encantadia, nasangkot ang pangalan niya sa isang negatibong isyu na tila pinapalabas na nagpi-prima donna na siya.

Ilang buwan na rin ang nakaraan mula noong naganap ang naturang isyu na nag-ugat mula sa isang out-of-town show niya kunsaan parang pinalabas na may mga dancers siyang naapi dahil sa diumano’y pagpi-prima donna niya.

Read: Gabbi Garcia's camp cries foul over prima donna accusation

Pero mabilis din naman itong nabigyang linaw na wala siyang kinalaman at hindi talaga ganun ang ugali niya.

Ayon kay Gabbi, noong panahong yun, hindi na rin daw niya dinipensahan pa ang sarili.

“Alam naman po ng mga tao na nakatrabaho ko, alam naman ng mga taong kilala ko kung ano po talaga.

“Sa totoo lang, nagkaharap na rin po kami and misunderstanding siya at naglabas na rin po ng statement sa side ko,” paliwanag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng serye noong July 13 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

HURT. Hindi ikinaila ni Gabbi na umiyak talaga siya dahil sa isyu lalo pa nga’t sa ilang taon pa lang niya sa showbiz, ito na siguro ang pinaka-pangit na ibinatong isyu sa kanya.

Sabi nga niya, “Hindi ko naman ide-deny na hindi ako umiyak.

“Umiyak din ako. Two nights akong umiyak at hindi ko rin naman ikahihiyang sabihin yun dahil tao lang din naman ako.

“Siyempre, may feelings din naman ako at alam kong nanggagaling ako sa clean slate, yun ang mahirap. After that naman, alam ko naman sa sarili ko na wala akong kinalaman dun.”

SUPPORT SYSTEM. Nakatulong din daw sa kanya ang ilang mga kilalang artista na nagpaabot ng mensahe agad sa kanya nang malaman na may negatibong isyu na ibinabato sa kanya.

Ayon kay Gabbi, “Ang daming nag-text agad sa akin – si Tita Ai-Ai delas Alas, si Kuya Gabby Eigenmann, 'Baby girl, ‘wag mo na intindihin ‘yan, kilala ka namin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Confident ako na lahat ng sinabi niya, kahit ako, kapag binigyan ako ng trabaho, inaayos ko.

“Hindi lang sa trabaho, talagang pati sa pakikitungo sa ibang tao dahil pinalaki ako nang maayos ng parents ko.”

Malaki rin daw ang pasasalamat niya kay Ruru.

“Noong time po na yun, halos araw-araw po niya akong tinatawagan,” lahad niya.

READY FOR BIGGER INTRIGUES. Tinanong naman namin si Gabbi kung alam niyang posibleng mas marami at mas may matitinding intriga pang darating sa kanya.

“Oo naman, medyo round one pa lang ‘to,” natawang sabi niya.

“Okey lang na iniyak ko muna siyang lahat. At least next time, alam ko na yung pain kung gaano siya kasakit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN