Ricky Davao has no issue with daughter Rikki Mae being a lesbian

Actor/director Ricky Davao on daughter Rikki Mae's admission that she's a lesbian: "When Rikki Mae said that she was a lesbian, siyempre, unang reaction ko ay nagulat ako. Pero hindi ako nagalit. Nagulat lang ako talaga. Kasi nasabi ko pa sa kanya na gusto ko magkaroon ng apo sa kanya. But bottomline is, it's still respect. Kung ano man ang gusto mo, gawin mo."


Hindi naging issue para sa veteran actor/director na si Ricky Davao ang pag-amin ng kanyang anak na si Rikki Mae sa kanyang pagiging isang lesbian.

Bilang mapagmahal na ama, hindi raw hinusgahan ni Ricky ang kanyang anak kundi mas pinaramdam pa nito ang kanyang pagmamahal at suporta.

“When Rikki Mae said that she was a lesbian, siyempre, unang reaction ko ay nagulat ako.

“Pero hindi ako nagalit. Nagulat lang ako talaga.

“Kasi nasabi ko pa sa kanya na gusto ko magkaroon ng apo sa kanya.

“But bottomline is, it’s still respect. Kung ano man ang gusto mo, gawin mo.

“I’m a very cool dad. Kaya walang issue sa akin kung iyon ang choice ng anak ko.

“Magulang ako, e. So I’m very supportive kung ano man ang gusto niyang gawin,” pahayag ni Ricky sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Sinungaling Mong Puso.

Ang naging magandang turn-out nito para kay Ricky ay mas lalo niyang naiintidihan ang mga kabataan ngayon na kung tawagin ay mga millennials.

LEARNING FROM TODAY'S YOUTH. Iba na raw kasi ang kabataan ngayon at may sarili na silang desisyon pagdating sa mga gusto nilang mangyari sa buhay nila.

“Actually, nagtatanong pa nga ako sa kanya ng mga bagay-bagay.

“Iba ang pananaw ng mga millennials ngayon. I’m learning from them a lot.

“Tulad dito sa ginagawa kong teleserye, mga millenials ang mga katrabaho ko.

“I get feedback from them. I even ask them some suggestions kung paano mapapaganda pa ang mga eksena namin.

“Hindi na sila tulad ng mga kabataan noon, like 20 years ago or noong teenage years ko.

“Nakaasa tayo noon sa mga choices ng parents natin for us.

“Kumbaga, we don’t have that voice to say na ito ang gusto nating gawin. It’s always yung gusto nila ang masusunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya most of us, we end up doing things na hindi natin talaga gusto.

“We just do it kasi we want to please our parents. Para hindi sila magalit sa atin.

“Now, mga bata ngayon, they follow what their heart and mind says.

“Nagkaroon na sila ng ganyang freedom. Maybe because they know what’s good for them.

“It’s a whole new generation.

“As a parent, nandito lang ako to offer guidance and not to interfere with what they choose to do and what path they want to take.

“As long as it makes me proud to be a parent to them, I am 100 percent on board sa mga choices nila,” deklara niya.

Nasa director’s chair ulit si Ricky para sa bagong GMA-7 teleserye na Sinungaling Mong Puso na pinagbibidahan nila Rhian Ramos, Rafael Rosell, Kiko Estrada at Jazz Ocampo.

Huling nadirek ni Ricky ang teleseryeng Little Nanay na pinagbidahan ni Kris Bernal.

HOMAGE TO MENTOR. Ang unang mentor ni Ricky noong nagsisimula pa lang siya sa pag-arte sa entablado na si Direk Maryo J. delos Reyes ang nagdirek ng film version ng Sinungaling Mong Puso noong 1992.

Ayaw daw niyang dungisan ang obra na ito ni Direk Maryo kaya iingatan daw niya ang istorya sa TV version nito.

Pagmamalaki niya, “I respect Direk Maryo so much.

“Sa kanya ako nagsimula bilang stage actor. I told him that I will take care of his masterpiece.

“I got his blessing and he said that if I need some assistance, he is willing to help me out anytime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN