Bob Arum confirms Manny Pacquiao's comeback fight for late 2016

Boxing promoter Bob Arum confirms Manny Pacquiao's return to the ring this September. He also mentioned Pacman's possible contenders, including Terence Crawford, Viktor Postol, Jessie Garcia and Adrien Brody.


Kahit na mariing itinanggi ni Pambansang Kamao/Senator Manny Pacquiao na babalik siya muli sa pakikipaglaban sa boxing ring at hindi raw siya mag-file ng leave sa senado, heto at patuloy pa ring naglalabas ng press release ang kanyang promoter na si Bob Arum tungkol sa kanyang susunod na laban.

Ayon sa interview ni Arum sa USA Today Sports: “Manny Pacquiao will definitely return in the fall.”

Ang fall or autumn season sa U.S. ay nagsisimula tuwing September.

Dagdag pa ni Arum, magse-set up nga raw ng isang camp sa Pilipinas para doon magte-train si Manny bago ito lumipad ng Amerika para mag-train pa with Freddie Roach.

Totoo raw na hihingi ng leave si Manny sa Senado para harapin ang pagbabalik niya sa boxing ring. Kaya short-lived lang daw ang sinabi nitong retirement niya sa boxing.

Pina-finalize na raw ni Arum ang date at venue ng bagong laban ni Manny.

Sa Las Vegas daw ito magaganap, pero inaaalam pa niya kung anong arena ang available sa date na mapipili nila.

Magkakaroon ng announcement pagkatapos ng July 23 HBO PPV fight Top Rank kung sino ang makakalaban ni Manny kina Terence Crawford at Viktor Postol.

POSSIBLE CONTENDERS. Kung sino raw ang manalo sa laban na iyon for the junior welterweight unification title, iyon ang makakalaban ni Manny.

Pero may isa pang kinu-consider na boxer at ito ay ang welterweight title holder na si Jessie Vargas.

“If Manny wants to win a world title, Jessie Vargas, whose head isn’t up his ass as far as the money, he realizes what is realistic money on pay-per-view now, which isn’t what it was before.

“Hopefully, this coming week, we’ll have a solid date and venue and then we’ll announce an opponent and be off and running.

“But Manny is definitely coming back,” pagkumpirma pa ni Arum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isiniwalat din ni Arum na ang unang choice daw na makakalaban ni Manny ay si Adrien Broner na isang PBC fighter. Pero humingi raw ito ng malaking halaga.

Ayon kay Arum, “I can’t afford what Broner is asking. Neither can Manny.

“Broner’s position is how valuable it is on pay-per-view and maybe he is, but I can’t take that risk and neither can Manny.

“We looked to give him a very good upside [of the PPV sales]. He wants a very unreasonable guarantee and I can’t pay it and Manny can’t take that risk.

“I won’t say that Broner is right or wrong. That’s his position. It’s business.

“I used the word 'priced himself out' and that’s the wrong word because that assumes he didn’t want the fight. I don’t know.”

May isa pang fighter na in-offer-an ng $3-4 million na si Danny Garcia para lumaban kay Pacquiao. Pero itinaggi ito ni Arum.

“I never talked to Danny Garcia or anybody connected with Danny Garcia. So I don’t know what the [expletive] he’s talking about.

“It’s like mental masturbation. It really is. I guess they’re desperate to get an article written about them, I don’t know.

“I’ve never even talked to Danny or his father [and trainer Angel], or anyone connected with them,” pagtatapos pa ni Bob Arum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN