Prince Stefan admits "no label relationship" with guy friend

StarStruck 4 finalist Prince Stefan (right) on relationship with friend and regular date Paolo Amores: "Basta happy lang kaming dalawa. Like what I said, no label. We are just enjoying each others company."


Nagsalita na ang StarStruck 4 First Prince na si Prince Stefan tungkol sa lalaking palagi niyang kasama sa mga pinu-post niyang photos sa kanyang Instagram account.

Kahit hindi niya inamin kung gay o bisexual siya, sinabi lang ni Prince na nakikipag-date siya sa isang guy na ang pangalan ay Paolo Amores.

May photos sila na sabay silang nagwu-workout, kumakain sa restaurants at kelan lang ay magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong.

Sa pamamagitan ng private messaging ng Facebook, hiningan namin si Prince ng mga sagot lalo na tungkol sa mga balitang kumakalat tungkol sa kanyang sexual preference.

Hiningi namin ang permiso niya kung okey lang na isulat namin ang anumang sasabihin niya.

"Kung positive naman, okey lang sa akin," panimula ni Prince.

Inamin ni Prince na nasa “ligawan stage” pa lang sila ni Paolo.

"We're not there yet. Getting to know stage, or adjusting period pa kami.

"Happy lang kami together. We're enjoying the moment," diin pa ni Prince.

Dagdag pa niya na ang samahan nila ni Paolo ay "no rush, no label, no commitment."

LONG-TIME FRIEND. Nagkuwento naman si Prince na matagal na niyang kaibigan si Paolo. Naka-base nga raw ito sa Singapore.

"Matagal na kaming friends ni Paolo.

"Lagi kaming nag-uusap via Messenger. We are always updating each other kahit nasa SG siya.

"Pero mas nakilala ko siya noong Hong Kong trip namin. Doon na kami nag-bond.

"Medyo nagka-developan na.

"Basta happy lang kaming dalawa.

"Like what I said, no label.

"We are just enjoying each others company."

Hindi na raw kailangan pa mag-elaborate si Prince tungkol sa kanyang pagkatao.

"What you see is what you get.

"What's important is that I'm happy at pati na rin ang tao sa paligid ko."

READY FOR BASHERS. Handa na raw si Prince sa anumang sasabihin ng ibang tao sa pinili niyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I appreciate the people who are happy for me. Sila yung tunay na nakakaintindi sa akin.

"I know that there will be people who will judge me. Sanay na ako sa kanila, e.

“Hindi na ako apektado sa mga sinasabi nila sa akin.

"Pero thank you na rin sa kanila kasi sila ang mas magpapalakas ng loob ko.

"Sabi nga nila, kung saan ka magiging maligaya, doon ka.

“At tama ang pinili kong buhay," pagtapos pa ni Prince Stefan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN