Sanya Lopez dreams of becoming a beauty queen: "Gusto kong maging next Pia Wurtzbach!"

IMAGE Noel Orsal

Sanya Lopez, who plays Sang'gre Danaya in GMA-7's Encantadia, dreams of becoming a beauty queen someday: "Dream ko po maging titleholder balang-araw. Kaya kung balak kong sumali sa Binibining Pilipinas, paghahandaan ko po talaga. Gusto kong makakuha ng title. Libre naman po ang mangarap."


Isa sa mga pangarap ng newbie Kapuso actress na si Sanya Lopez ay ang makasali sa prestihiyosong Binibining Pilipinas beauty pageant.

Si Sanya ang gumaganap bilang si Sang'gre Danaya sa telefantasya ng GMA Network na Encantadia.

Naranasan na raw si Sanya na makasali sa dalawang beauty pageants—ang Reyna ng Bulacan 2013 at Reyna ng Aliwan 2014.

Sa magkaparehong pageants ay runner-up lamang si Sanya.

“Dream ko po maging titleholder balang araw.

“Kaya kung balak kong sumali sa Bb. Pilipinas, paghahandaan ko po talaga.

“Gusto kong makakuha ng title.

“Libre naman po ang mangarap kaya gusto kong maging next Pia Wurtzbach!” pahayag ni Sanya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Encantadia last week.

SHOWBIZ FIRST, PAGEANT LATER. Puwedeng-puwedeng maging beauty queen si Sanya dahil sa morena beauty nito at ipinagmamalaking seksing katawan.

Pero uunahin raw muna ni Sanya ang kanyang showbiz career, lalo na't nabigyan siya ng malaking break bilang isa sa mga bida ng Encantadia.

Saad niya, “Thankful ako sa big break na ibinigay sa akin ng GMA-7.

“Kaya gusto kong dito muna ako mag-focus at makakapaghintay naman ang pagsali sa beauty pageants.

“I'm only 19 years old at marami pang time.

“Siguro, puwede na next year or two years from now.

“By that time, mas prepared na ako physically and mentally.”

INCHING HER WAY TO STARDOM. Nakikilala na si Sanya ng marami dahil sa magandang promo ng Encantadia sa TV at pati na sa regional promos nito.

Aminado si Sanya na siya lang ang hindi pa masyadong kilala, hindi tulad ng mga co-stars niyang sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia na may mga kanya-kanya nang fans.

“Totoo naman po na ako ang hindi pa masyadong kilala.

“Ang mga nilabasan ko pa lang ng shows ay ang Walang Tulugan with the Master Showman at The Half-Sisters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka ang gamit ko pa before ay ang real name ko na Shaira Roberto.

“Pero nag-effort po ako para kahit paano ay makilala na nila ako.

“Nitong mga huling regional promo namin, may mga tumatawag na ng pangalan ko.

“Nakikilala na rin nila ako,” masayang kuwento ni Sanya.

FOLLOWING IN HIS BROTHER'S FOOTSTEPS. Sa mga hindi nakakaalam ay nakatatandang kapatid ni Sanya ang Kapuso hunk na si Jak Roberto.

Regular na napapanood si Jak sa Bubble Gang, Dear Uge, Unang Hirit, at sa katatapos lamang na teleseryeng Hanggang Makita Kang Muli.

Napagdesisyunan na hindi gagamitin ni Sanya ang family name nilang Roberto.

“Mas okey na magkaiba kami ng family name ni Kuya Jak.

“Para na rin may sarili kaming identities,” sabi niya.

Natutuwa naman si Sanya sa papagandang career ng kanyang Kuya Jak. Marami na itong fans dahil sa magandang pangangatawan nito.

“Parati nga siyang nakahubad, e!

“Tinatanong ko siya parati na baka magkasakit na siya. Baka may sipon na siya.

“Kasi tuwing napapanood ko siya, nakahubad siya.

“Nagbiro naman siya sa akin na okey lang kasi tipid daw siya sa wardrobe!” sabay tawa ni Sanya.

GETTING PHYSICAL. Nahawa na rin daw si Sanya sa kanyang Kuya Jak dahil sa hilig nitong mag-workout.

Pagmamalaki niya, “Twice a week na rin ako kung mag-workout.

“Or basta kapag may free time ako, nasa gym ako. Nahawa na ako sa kuya ko.

“Kailangan ko ring maging physically fit dahil sa taping ko ng Encantadia.

“Bukod sa workout, may arnis training din ako.

“Mahirap po ang taping namin at nakakapagod talaga.

“Pero kinakaya po namin lahat dahil gusto naming maganda lumabas ang bawat episode ng Encantadia.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN