KC Concepcion criticizes China over West Philippine Sea issue

IMAGE Noel Orsal

Hindi ikinatuwa ng actress-TV host na si KC Concepcion ang patuloy pa ring pangha-harass ng Chinese coast guards sa mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea. Ito ay alinsunod na rin sa arbitration ruling ng The Permanent Court of Arbitration (PCA) sa ilalim ng United Nations, kung saan sinababi ritong walang karapatan ang China sa mga islang kanilang inaangkin.


Kasunod ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration case laban sa China nitong nakaraang July 12, 2016, naglabas ng pagkadismaya ang actress-TV host na si KC Concepcion sa aniya’y pagmamalabis ng China sa West Philippine Sea.

Sa kanyang Twitter account, sunud-sunod ang posts ni KC tungkol sa patuloy pa ring pananakop ng Chinese coast guards sa West Philippine Sea.

Unang tweet ni KC noong July 13: “China had no rights to the area as an exclusive economic zone making some of its activities here in breach of the Philippines' rights.”

Ikinagalit din niya ang diumano’y pagsira ng Chinese fishermen sa corals at iba pang fragile ecosystem sa mga islang inaangkin nila.

Narito ang iba pang tweets ni KC:

Bukod sa kanyang nararamdamang galit, nalulungkot din si KC sa diumano’y panglulupig ng China sa karapatang pangtao ng mga mangingisdang Pilipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN