Jake Ejercito feels privileged to have worked with AlDub

IMAGE Photo from Twitter (@unoemilio)

His stint on Kalyeserye with Alden Richards and Maine Mendoza might have been short, but Jake Ejercito feels privileged to have the pleasure of working with the love team.


Ikinararangal daw ni Jake Ejercito na nakatrabaho niya ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza kahit naging maiksi lamang ito.

Nag-tweet ang anak ni dating Presidente at ngayo'y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada noong Sabado, July 16, na siya ring unang anibersaryo ng phenomenal loveteam na nagsimula sa noontime show na Eat Bulaga.

Bumati rin si Jake sa anibersaryo ng AlDub sa nasabing tweet.

Isa sa Jake sa mga artistang naging celebrity guest sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! na kinatatampukan ng AlDub.

Sa recurring guest appearances ni Jake, ginampanan niya ang role ng classmate ni Yaya Dub (Maine) at sa isang punto ay pinagselosan pa ni Alden, sa pag-aakalang higit pa sa pagkakaibigan ang turingan ng dalawa.

Gayunpaman, bandang dulo ay naging malinaw na magkaibigan lamang sina Jake at Yaya Dub at magkakaktrabaho lang dahil sa isang proyekto.

Muling nagkasama rin sina Maine, Jake, at Alden sa isang episode ng Lenten presentation ng Eat Bulaga! ngayong taon.

Bukod kay Jake, ilan pa sa mga naging guest sa Kalyeserye ay sina Ai-Ai delas Alas, Gloria Romero, at Celia Rodriguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN