Arci Munoz puts relationship in background of career; thankful to understanding boyfriend

Arci Munoz is still very much in a relationship with her boyfriend of four years, except her career is her priority right now. She explains, "Ang tagal ko naman itong hinintay… at dumating ngayon, so very supportive siya."

 


Siyam na taon ang pinaghintay ni Arci Muoz bago siya nabigyan ng oportunidad para mas makilala sa showbiz.

Kaya naman daw sa ngayon, trabaho ang kanyang pinaka-prayoridad kahit na may love life siya ngayon.

“Opo, sobra!” bulalas ni Arci.

Pero okey naman daw ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Badi del Rosario, vocalist ng bandang Mr. Bones and the Boneyard Circus, kahit sobrang busy siya.

“Kapag meron naman po akong free time, I spend it with my loved ones.

“My mom, my sister, siya… alam naman niya yung priority ko ngayon.

“Ang tagal ko naman itong hinintay, he’s very understanding naman.

“Matagal ko itong hinintay at dumating ngayon, so very supportive siya.”

Hindi pa ba siya niyayang magpakasal?

“Ay, hindi pa naman, bata pa naman kami,” sagot ng Kapamilya actress.

Maganda ang sagot ni Arci sa tanong kung sa palagay niya ay si Badi na ang makakatuluyan niya.

Aniya, “Sa isang relasyon naman, hindi ka papasok kung hindi mo nakikita ang sarili mo na kasama mo yung taong yun.

“So, siyempre, ang sarap din sa pakiramdam pag ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa last shooting day ng Camp Sawi, sa Sampaguita Compound, noong July 15.

ON THE SET. Sa pelikulang ito ng Viva Films ay isa siyang sawi sa pag-ibig.

Naranasan na raw ni Arci ang maging sawi sa pag-ibig sa totoong buhay. At hindi na raw niya pahihintulutang mangyari ulit ito.

Uunahan na niya kung sakali ang makipag-break?

“Oo, kapag na-feel mo!” biro niya.

“Hindi naman, hindi mo naman kontralado ang situwasyon.

“Malay mo, yung mga ganyan, ang galing magtago.

“Yung mga partner nila, ang galing magtago, pero huwag naman sana.”

Ang leading man nilang limang babae sa Camp Sawi ay si Sam Milby.

Kumusta naman itong leading man?

“Okay! Isa pa ‘yang si Sam, ang bait, masarap din katrabaho, same with all the girls.”

Ten days daw silang nag-stay sa Bantayan Island habang ginagawa nila ang pelikula.

“Ang saya, para lang kaming nagbabakasyon, para lang barkada trip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos si Direk Irene [Villamor] sobrang cool lang din niyan, kita niyo naman, di ba?

“Malungkot kasi last day na namin, pero at least, nakabuo kami ng pelikula.

“Masaya and, I’m sure, maraming makaka-relate rito.

“Limang istorya ‘yan, limang babae ‘yan, so I’m sure ang isa riyan, makaka-relate.”

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Yassi Pressman, at Kim Molina.

Last shooting day na ng Camp Sawi noong Biyernes, July 15, at kasunod nito ay ang pelikulang gagawin muli ni Arci sa Star Cinema.

Ito ay ang Extra Service kung saan makakasama niya sina Jessy Mendiola at Coleen Garcia.

THE EYES OF ECHO. Kasalukuyan ding nagte-taping si Arci ng teleserye nila ni Jericho Rosales, ang Never Say Goodbye ng ABS CBN.

Todo naman ang paghanga ni Arci sa husay umarte ng bago niyang leading man.

Aniya, “Napakahusay din nun, napakasuwerte ko na nakatrabaho ko yun, pati si Direk FM Reyes.

“Yung acting ko, talagang napiga akong talaga.

“Ang galing ni Echo, sobra, kasi mata niya, e, mata!

“Iba talaga ang mata niya, parang may eksena kami nung first taping day namin…

“Siyempre, getting to know… kapag magkatrabaho kayo, para lang kumportable kayo.

“Yung isang eksena namin, nawala ako, hindi ko masabi ang linya ko, ang galing niya, e.

“Gagawin ko ba ang ginawa niya? Hindi, kailangan may sarili ako.

“Pero naaano mo yung energy niya, kasi ang husay.”

Nararamdaman ba ni Jericho na parang intimidated siya rito?

“Inaano niya kong maging kumportable, ngayon ano na lang kami ni Uncle.

“Uncle! Si Tito Echo, joke lang, Echo!”

Patuloy ni Arci, “Mabilis ko siyang nakasundo.

“Kasi mabait, sobrang cool, sobrang humble.

“Tapos si Direk FM pa, kailangan ilabas mo lahat.”

Kailan daw eere ang teleserye nila?

“Wala pa, e, wala pa talagang sinasabi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN