Annabelle Rama breaks down while recalling daughter Ruffa Gutierrez's brush with death

IMAGE Noel Orsal

Hindi naitago ni Annabelle Rama ang kanyang damdamin bilang ina nang mapag-usapan ang insidente tungkol sa panganay na anak na si Ruffa Gutierrez. Muntik na raw kasing mamatay si Ruffa nitong nakaraang linggo, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung ano ang sanhi ng kanyang karamdaman.


Ilang beses umiyak si Annabelle Rama sa presscon ng bagong season ng kanilang show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez ngayong Lunes, July 18.

Iton ay habang ikinukuwento ni Annabelle ang nangyari sa panganay niyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Bigla na lamang daw hindi huminga si Ruffa at walang malay sa loob ng halos limang minuto.

Pangatlong beses na raw itong nangyari, at umaasa si Annabelle na hindi na ito mangyari ulit.

Nitong nakaraang linggo lamang nangyari ang pinakahuling insidente.

Kaya naman sa presscon kanina, humahagulhol si Annabelle na nagpapakita ng kanyang pag-aalala sa sinapit ng anak.

Away-bati man ang dalawa, umiral pa rin sa kanya ang pagmamahal ng isang ina.

Matapos ang presscon proper, muling inusisa ng press si Annabelle tungkol dito.

Lumuluha niyang sabi, “Basta ganung topic talaga, maski sa bahay kami, umiiyak talaga ako.

“Maski sa simbahan, kapag naalala ko si Ruffa, di ko talaga matiis.”

Dapat daw sana ay sina Richard at Raymond ang sasagot sa tanong ng press tungkol sa nasabing insidente, ngunit tila nabigla ang dalawa kaya si Annabelle na rin mismo ang nagkuwento nito kahit hindi masyadong detalyado.

Labis daw siyang nangangamba dahil tatlong beses na itong nangyari sa anak.

Saad ni Annabelle, “Sunud-sunod, e. Ipapa-check ko siya sa abroad, kasi hindi ako sure.

“Sabi ng doctor, wala silang findings.

“Kaya sabi ko, pupunta tayo ng Singapore. Ipapa-check ko siya doon.

“Kasi ang pagkakakuwento sa akin ni Richard, ‘Mommy, it’s very scary.’

“Sabi niya kasi, siya ang witness, e. Gusto niyang makatulong pero wala siyang magagawa.

“Nasa ano niya [dalawang braso] si Ruffa, kinakarga niya si Ruffa, ganyan lang siya, sabi niya wala na talaga.”

Masakit man sa damdamin, inakala raw talaga niyang nawalan na siya ng anak nung mga panayong yun dahil limang minutong hindi huninga si Ruffa.

Aniya, “Akala ko nga dead na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sabi ko kay Richard, 'Pisilin mo ‘yang mga daliri, pisilin mo ‘yang tenga.'

“Sila Venice, pinisil nila ang tenga at daliri, wala pa ring nangyari.”

Humabol daw siya sa St. Luke’s Medical Center at pinagbilinan ang lahat na hospital staff na panatilihing confidential ang pagkakasugod ni Ruffa doon, baka raw may mga press na nandoon sa lugar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez Season 4, sa Marco Polo Hotel, Ortigas, Pasig City.

Ipalalabas ang ika-apat na season ng kanilang show sa E! Asia sa Lunes, July 25, 8:30 ng gabi. Mapapanood din ito sa 27 pang bansa sa iba't ibang mundo.

A MOTHER’S LOVE. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang hindi magandang relasyon ng mag-ina.

Away-bati sila na minsan ay sa social media pa idinadaan ng dalawa ang kanilang sagutan.

Pero sa pagkakataong ito, aminado si Annabelle na hindi pa siya handang mawalan ng anak.

“As a mother kasi, doon mo ma-realize pala na… kasi hate na hate ko siya, lagi kami magkaaway.

“Ma-realize mo kaagad na kapag wala pala siya, iba, ibang feeling mo, e.

“Kasi, for me, parang tanggap ko na mawala na siya, pero iba pala ang feeling pag actual na.”

Si Ruffa ay ang nag-iisang babaeng anak nina Annabelle at Eddie Gutierrez.

Kaya naman iba raw ang kirot sa puso na kanyang nararamdaman.

Aniya, “Siyempre naman. Kaya napi-feel ko yun as a mother na mahirap pala mawalan ng anak, parang ganun, e.”

Nagkausap na ba sila?

Sabi ni Annabelle, na bahagyang nakangiti, “Oo. Dapat nga pagalitan ko siya sa ospital.

“Pero sabi ni Eddie, 'Huwag ka nang makiaalam diyan,' so hindi na ako nagalit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN