Ruffa Gutierrez to seek help from ispiritista for her mysterious illness

IMAGE Noel Orsal

Ruffa Gutierrez and her doctors remain in the dark as to the nature of her mysterious illness. She has lost consciousness on three occasions for no apparent reason, so she's considering to consult with spiritual healers.


Taong 2009 pa daw unang nangyari kay Ruffa Gutierrez ang karamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga doktor.

Ngayong buwan, dalawang beses naranasan ni Ruffa ang pagka-walang malay at ang pinakahuli ay lalong lumala kung saan limang minuto siyang nawalan ng hininga.

Inakala nga ng kanyang inang si Annabelle Rama ay pumanaw na siya.

Kaya naman hindi nito maiwasang humagulhol sa harap ng reporters sa presscon ng bagong season ng kanilang show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Read: Annabelle Rama breaks down while recalling daughter Ruffa Gutierrez's brush with death

Matapos ang presscon, muling inusisa ng press si Ruffa tungkol sa masaklap niyang pinagdaanan.

Pero pati raw siya ay wala matatandaan o maalala tungkol sa mga pangyayari.

Panimula ng actress-TV host, “Di ko rin alam. Actually Cristalle [Belo] told me that I should consult an ispiritista, parang weird!”

Sa tingin ba niya ay na-possess siya?

Tugon ni Ruffa, “Parang ganun yung feeling kasi hindi ko maalala, e, I was doing things that I didn’t know.

“Parang I was acting in a strange way... tulog ako.”

Lahat daw ng test ay napagdaanan na niya, pero wala raw nakitang mali ang doktor sa kanyang kalusugan at pangangatawan.

Pagtataka pa ng 42-year-old actress, “They couldn’t find anything which is more weird.”

Kinukunsidera ba niyang kumonsulta sa mga faith healer o ispiritista?

Aniya, “Yeah, my mom thinks I’m baliw, sabi niya magdasal daw ako.

“As in wala akong naalala, as in parang naano ako, I felt really dizzy.

“So, ang sabi naman ni Mommy, kulang ako sa dasal.

“Sabi ko, I pray naman all the time.

“So she thinks I’m ano… stop calling daw ng mga ispiritista.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si Ruffa sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez Season 4, ngayong Lunes, July 18, sa Marco Polo Hotel, Ortigas, Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL AT ODDS? Hindi pa rin ba talaga sila bati ng ina? Sinabi kasi ni Annabelle na hindi siya naimbitahan sa birthday party niya nitong nakaraang June 24.

Feeling daw niya, binlock siya ng anak sa kanyang cellphone.

Paliwanag naman ni Ruffa, “I think, as a mom, siguro there are moments na feeling niya I don’t mind her, or binlock ko siya.

“It’s not true, and I think that’s just her being a mom.

“I just want my mom to know that I love her.

“And I’m thankful na hindi niya ako inaaway [sa presscon], ganun pala, hindi ko nakukuha ang mga messages niya.

“And so she thinks... yeah, I mean, I’m actually surprised na ganun pala ka-emotional si Mommy.

“Sometimes, hindi niya naipapalabas. And she doesn’t really show how she feels.”

Naramdaman naman daw niya ngayon kung gaano siya kahalaga sa ina, hindi lang bilang panganay na anak kundi bilang nag-iisang anak na babae nila ni Eddie Gutierrez.

Sabi pa ni Ruffa, “But I remember noong na-hospital ako, I saw na umiyak siya, so naiyak din ako nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN