Glaiza de Castro reacts to Benjamin Alves-Julie Anne San Jose rumored romance

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro on her aborted relationship with Benjamin Alves: "Siguro naman aware ang mga tao na naging friends kami, lumalabas-labas kami. And humingi rin siya ng consent sa parents ko, we're not gonna deny that. Pero there will be a time na mari-realize mo na hindi talaga, e."


Aware daw si Glaiza de Castro na nali-link ngayon ang dati niyang manliligaw na si Benjamin Alves sa kapwa nila Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malaman ang tungkol dito?

“I think matagal na niyang gusto si Julie Anne!” natawang sabi ni Glaiza.

Dagdag pa niya, “Aware ako dun, dati pa na matagal na niyang gusto yun.”

Inisip ba niyang dahil sa pagkaka-link nina Benjamin at Julie Anne kaya bigla na lang naputol ang kung anumang ugnayan sa pagitan nila ng aktor?

Sagot ng Encantadia star, “Ewan ko… kung anuman ang nangyayari sa kanila, hindi ko naman na siguro business yun.

“I mean, ang dami kong ginagawa ngayon para alamin ko pa.”

Dahil nagsimula na ang fantaserye ng GMA Network na Encantadia, mukhang mas lalong mawawalan ng oras si Glaiza para magkaroon ng love life.

Si Glaiza ang gumaganap bilang Sang’re Pirena sa primetime series na nagsimula kagabi, July 18.

WHAT HAPPENED? Pero ano ba ang nangyari sa balitang pagkakamabutihan nila ni Benjamin noon?

Ayon kay Glaiza, “Wala, hindi na lang… I mean, hindi siya dumating sa point na talagang ayun…”

Hindi naging sila?

“Hindi talaga,” din niya.

Pero matagal din silang naging malapit sa isa’t isa at marami ang nag-aakalang may relasyon na sila.

Pahayag ni Glaiza tungkol dito, “Siguro naman aware ang mga tao na naging friends kami, lumalabas-labas kami.

“And humingi rin siya ng consent sa parents ko, we’re not gonna deny that.

“Pero there will be a time na mari-realize mo na hindi talaga, e.”

Paano nila na-realize na ‘hindi talaga’? Nag-usap ba sila?

“Hindi, hindi kami nag-usap,” sagot niya.

Binasted ba niya?

“Hindi lang talaga kami nag-usap,” ani Glaiza.

Dagdag pa niya, “E, sanay na ako sa mga ganun.

“Sanay na ako na parang tipong no need to explain na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka kung mag-e-explain pa, kung ano lang ang masabi.

“Pero wala, ganun talaga, e.”

Nalungkot siya?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

“Well, nakakahinayang kasi, we’re friends in the first place.

“Pero wala e, ganun talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN