Freddie Aguilar accepts NCCA post

IMAGE @sirjack_argota on Instagram/Freddie Aguilar Facebook

Veteran singer Freddie Aguilar is the new commissioner of National Commission on Culture and the Arts.


Tinanggap na ng legendary singer na si Freddie Aguilar ang offer sa kanya ni President Rodrigo Duterte na pamunuan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ayon sa report ng Unang Balita, ngayong Martes, July 19.

Una nang in-appoint ni President Duterte si Freddie bilang NCCA commissioner noong nakaraang linggo at pumayag ang singer na pamunuan muna ang nasabing ahensiya ng gobyerno.

Read: Freddie Aguilar appointed as new NCCA commissioner by President Rodrigo Duterte

Sinabi rin ng beteranong singer na kinakailangan niyang gumawa ng hiwalay na departamento para sa sining at kultura.

“Actually, ibibigay niya yung departamento, kaya lang sabi ng office niya, sa pamamagitan ni Bong Go, ang sabi niya, ‘Sir Freddie, habang wala pa po yung department, puwede daw po ba ninyong pamunuan ang NCCA?'” saad niya.

Si Christopher Bong Go ang special assistant ni President Duterte.

Sabi pa ni Freddie, “Sabi ko naman, 'Okay, gagawin ko ‘yan. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang Pangulo?'”

Nagsalita rin ang singer at sinabi niyang mungkahi lang ang kanyang sinabi tungkol sa naging pahayag niya na ilipat ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park upang masolusyunan ang isyu ng “photo bombing” dahil sa pagtatayo ng condominium building ng isang developer.

Nitong mga nakalipas na araw, umani ng batikos si Freddie sa social media matapos niyang sabihin sa isang interview na ililipat niya ang monument ni Rizal at isa sa mga kalabaw statue sa sikat na pasyalan.

Dagdag pa niya, dapat umako ang sinuman na nagbigay ng permiso na itayo ang residential building.

Gayunpaman, idiniin ni Freddie na kailangang tanggapin ng publiko ang pagbabago sa landscape sa Maynila, ayon pa sa ulat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN