Richard Gutierrez airs frustration over erratic timeslot of Ang Panday

IMAGE Noel Orsal

Naghayag ng kanyang hinanakit si Richard Gutierrez sa TV5 dahil nagtapos ang kanyang teleserye na Ang Panday na hindi man lang ito naramdaman ng viewers. Hindi raw kasi ito napapanood nang regular sa gabi at paiba-iba ang oras ng airing nito.


Naglabas ng kanyang hinanakit si Richard Gutierrez laban sa TV5 kaugnay ng kanyang pinagbidahang teleserye, Ang Panday.

Ayon sa aktor, hindi nabigyan ng karampatang importansiya ang kanilang programa pagdating sa programming timeslot.

“Yes, I was frustrated.

“To be honest, I was frustrated with the timeslot that was given to Panday.

“Ang usapan namin, magkakaroon ng fixed timeslot.

“But as soon as we started airing, our timeslot kept on moving.

“Yung airing days namin kept changing.

“Ako mismo as Panday, hindi ko alam kung ipapalabas ba kami ngayong gabi, anong oras.

“So, medyo frustrating for me ang setup na yun.”

Dahil sa PBA games na iniere sa Kapatid network, hindi pare-pareho ang oras ng paglabas ng Ang Panday.

Iba-iba rin ang araw ng pag-ere nito, hindi katulad sa mga teleserye ng ibang istasyon.

Saad pa ni Richard, “Although, you know, when you're working that much, you can't be bothered by those things.

“So, I try to just focus on my work.

“Tina-try namin ni Direk Mac [Alejandre] na talagang pagandahin ang show despite yung mga nagiging problema na hindi namin kayang kontrolin.

“Nag-focus kami sa mga bagay na kaya namin kontrolin, which is to do our best for the show.

“So, medyo frustrating, kasi medyo hindi pa yata na-figure out ng TV5 kung ano ang gusto nila sa timeslots nila.

“And hopefully, they get to figure out that soon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Richard sa presscon ng fourth season ng kanilang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, na ginanap kahapon, July 18.

VIVA-TV5 PARTNERSHIP. Kasunod na rebelasyon ni Richard ay ang pagkaputol ng dapat sana'y long-term partnership ng Viva Entertainment sa TV5.

Saad niya, “Isa pang frustrating is yung fall out ng partnership with Viva and TV5.

“I was excited about that until it turned out to be in short term.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, right, now we're planning to do a movie with Viva and we'll see what will happen after.”

Matapos ang presscon, nais sana ng PEP na humingi pa ng karagdagang detalye mula kay Richard ngunit kaagad itong umalis sa venue.

Matatandaang nitong huling bahagi ng 2015, inanunsiyo ng TV5 na ang Viva na ang mamamahala sa entertainment programs ng istasyon.

Sinundan pa ito ng pagtalaga kay Viva big boss Vic del Rosario bilang chief strategist for entertainment.

Read: TV5 announces appointment of Viva’s Vic del Rosario as chief strategist for entertainment

Bukas ang PEP sa panig ng TV kaugnay ng mga naging pahayag ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN