Is Yasmien Kurdi more blessed than her StarStruck batchmates?

IMAGE Noel Orsal

Yasmien Kurdi on being a loyal Kapuso: "As long as masaya po ako sa ginagawa ko at mahal ko po ang kung saan ako nagtatrabaho, mas importante po kasi sa akin na nag-e-enjoy ka. Pag hindi ka na nag-e-enjoy, I guess it's not healthy anymore. Pero as long as nag-e-enjoy ka sa place mo, sa home mo, bakit ka aalis, bakit mo iiwanan?"


Sa unang batch ng StarStruck, si Yasmien Kurdi ang isa sa masasabing suwerte pagdating sa kanyang pag-aasawa.

Ang batchmates niyang sina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, at Mark Herras ay hindi nakatuluyan ang mga ama o ina ng kanilang mga anak.

Samantalang si Yasmien ay masaya pa rin sa piling ng kanyang mister na si Rey Soldevilla Jr. at anak nilang si Ayesha Zara.

Ano ang masasabi ni Yasmien na isa siya sa “pinagpala” ng maayos at kumpleto na family life? Advantage ba niya iyon o blessing?

Tugon ng Kapuso actress, “Blessed naman po kaming lahat.

“Like, ako po siguro, in our own way, may blessing po kami.

“It’s a different kind of blessing po.

“Nagkataon, kunyari ako, na okay yung family ko, tapos like yung iba naman po, mas nakakaangat sa career, mga ganun.

“And siguro naba-balance din naman po ni Lord lahat ng nangyayari sa buhay namin, sa buhay natin.

“Kung sino po ang mas nangangailangan ng work, iyon po talaga ang binibigyan, mga ganun.

“Kasi maraming kailangang bayaran, maraming kailangang bilhin, mabigat ang pasanin!” tawa pa niya.

May pagkakataon bang in-offer-an siya ng trabaho ng ibang TV network? At may sandali bang muntik na siyang matukso?

Ayon kay Yasmien, “Hindi naman po napunta sa isip ko na yung ganun dahil sa pagmamahal na ibinigay sa akin ng GMA.

“Hindi po napupunta sa akin ang ganun.

“As long as masaya po ako sa ginagawa ko at mahal ko po ang kung saan ako nagtatrabaho, mas importante po kasi sa akin na nag-e-enjoy ka.

“Pag hindi ka na nag-e-enjoy, I guess it’s not healthy anymore.

“Pero as long as nag-e-enjoy ka sa place mo, sa home mo, bakit ka aalis, bakit mo iiwanan?”

Kasalukuyang napapanood si Yasmien sa afternoon soap ng GMA Network na Sa Piling Ni Nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN