Patrick Garcia's wife reveals how she got over insecurity of Jennylyn Mercado

IMAGE @nikkamgarcia / @mercadojenny Instagram

Nikka Garcia on maintaining a good relationship with Jennylyn Mercado: "I knew in my heart that this was definitely God's plan. God took away all my insecurity and replaced it with genuine admiration. He took away jealousy and replaced it with compassion."


Inamin ni Nikka Garcia na nakaramdam siya noon ng insecurity kay Jennylyn Mercado, ex-girlfriend ng mister niyang si Patrick Garcia.

“When Pat and I were just dating, I was young and still a little immature. I was confident in mostly everything except his past.

“Knowing that he has a son whom he adores with someone he used to love, not to mention, a very good-looking person… brought about the feeling of INSECURITY in me.”

Sa kanyang blog post na nikkagarcia.com noong July 16, ibinahagi ni Nikka na hindi madali para sa kanya ang pagkakaroon ng koneksiyon sa pagitan nina Patrick at Jennylyn dahil sa anak nilang si Alex Jazz.

Kuwento ni Nikka, “I remember the times that Pat would ask me if he could go to her house and visit Jazz.

“Of course, I would always show support and give my strong YES.

“But honestly, I would feel quite uneasy. I would start creating crazy scenarios in my head, over analyze certain things, look at my watch every now and then, blahblahblahhh..

“All these I would do BUT all without Pat knowing. As far as he was concerned, I was totally fine.”

Kinalaunan ay natanggap na rin daw ni Nikka na isa sa mga nagpapasaya kay Patrick ay ang makita si Alex Jazz.

FACING JENNYLYN. Ngunit nang ma-engaged sila ni Patrick, na-realize ni Nikka na kailangan niyang harapin ang kanyang “insecurity” sa ex-girlfriend at ina ng anak nito.

Sa kabila ng kanyang agam-agam, ipinagdasal daw ni Nikka na sana ay gabayan siya kung paano niya mareresolba ang kakaibang set-up ng kanyang bubuuing pamilya.

Bukod sa pagkakaroon ng stepson na si Alex Jazz, si Nikka ay mayroong anak na babae kay Patrick na si Chelsea

“About a couple of months into the planning of our dream wedding, I woke up extremely bothered.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I remember starting my morning devotion but I just couldn’t concentrate.

“I had an urge to reach out to Jen (weird right?!)

“I did not tell ANYONE about this, especially Patrick. I did not want anyone to influence what it was I was feeling.

“If I were to do this, I wanted to do this according to what God was putting in my heart.”

Hindi raw akalain ni Nikka na tatanggapin agad ni Jennylyn ang kanyang imbitasyon na sila ay magkita at magkakilanlan.

“After a week of fasting and a day (I tried to delay… hehe), I decided to go for it and send her a text message.

“I thought to myself, “Lord, bahala ka na. You know what’s in my heart. If this is from You, then all will be well. If this is Your plan, then Jen will reply.”

“And in less than 5 minutes from the time the message was sent, I got a reply.

“Take note, we haven’t met. I introduced myself and asked if we can meet to talk. She agreed. Iba talaga ang Panginoon!!!”

Patuloy na lahad ni Nikka, siniguro niya kay Jennylyn na magiging mabuti siyang “tita” kay Alex Jazz.

At kung anuman ang naramdaman niyang insecurity noon sa Kapuso actress ay tuluyang nawala.

Sabi ni Nikka tungkol sa pagkikita nila ni Jennylyn: “It was casual. It was peaceful. It was nice.

“I knew in my heart that this was definitely God’s plan. God took away all my insecurity and replaced it with genuine admiration.

“He took away jealousy and replaced it with compassion.”

Matatandaang September 2014 nang mismong si Jennylyn ang nagbahagi ng larawan kung saan makikitang magkasama ang anak nila ni Patrick na si Alex Jazz at anak nina Patrick at Nikka na si Chelsea.

Thanks for visiting kuya Jazz Chelsea!!! ???? thanks @nixmartinez

A photo posted by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Naging bukas din si Jennylyn sa pagsasabing maayos ang lahat sa pagitan niya at ng noo’y engaged couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Read: Jennylyn Mercado and son Jazz meet with ex Patrick Garcia's family

Ikinasal sina Patrick at Nikka sa isang Christian wedding ceremony noong March 21, 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN