Judy Ann Santos relates experience working with queens of Philippine movies

IMAGE Judy Ann Santos-Agoncillo's Instagram

Judy Ann Santos: "Gusto ko lang namang maging magandang example sa mga kabataan, sa mga sumusunod sa akin o sa susunod sa akin. Kasi wala naman akong legacy'ng iiwanan dahil hindi naman ako… alam mo yun, hindi naman ako nag-iwan ng pathway para sundan nila ako. Naniniwala ako na ang bawat isang artista, may sari-sarili silang path, so hindi sila dapat kumopya ng path kasi iba-iba tayo ng pupuntahan."


Ibinahagi ni Judy Ann Santos ang naging karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa ilan sa pinakamahuhusay na aktres sa bansa at itinuturing na mga reyna ng Pelikulang Pilipino.

Nakasama ni Judy Ann ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Babae noong 1997.

Paglalarawan niya sa Superstar, “Parang everybody naman looks up to her, di ba?

“Alam mo, nung pinapanood sa akin yung Ina Ka Ng Anak Mo [1979], dun ko nakita na, ‘Ay, oo nga talaga!’

“Talaga namang pag sinabi mong mata-mata lang, mata-mata lang.

“Kesehodang one-money shot ‘yan, walang emosyon, pero mata lang.

“Yung, ‘Paano ba ginagawa yun? May nabibili bang ganyang mata?’ Ang galing!

“Si Ate Guy lang yata ang makakagawa ng ginagawa niya, wala nang iba.”

THE MEGASTAR. Nakasama naman niya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pelikulang Magkapatid (2002), kung saan nagsimula ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan.

Lahad ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ay, si Ate Sharon, wala akong masasabi talaga sa kanya.

“Alam mo, kung mahanap ko lang siguro yung diary ko na yun, first shooting day ng Magkapatid, naka-diary ‘yan sa akin, isinusulat ko yung ginagawa ni Sharon, nung unang beses ko siyang nakita.

“Si Sharon yata ang pinaka-generous na taong nakatrabaho ko, in so many ways.

“Generous in supporting an actor, generous in giving love.

“That’s why she’s very sensitive kapagka sa mga ibang tao, kasi she gives so much love.

“To a point na… but she gives so much love without expecting anything in return.”

Patuloy ng 38-year-old actress, “You know, just the fact na marespeto mo yung part na si Sharon Cuneta, e, binigyan ka ng sobra-sobrang atensiyon, parang pag hindi mo na-appreciate yun, OA ka na!

“Yung ganun, yung napakahusay na artista... siya yung artista na, tawa-tawa, ‘Ha! Ha! Ha!’

“Tapos pag pinag-breakdown ni Joel Lamangan [direktor ng Magkapatid], maglulupasay! Yung ganun? Nang umuulan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagkatapos, tatawa na naman siya! Nakakabaliw!”

THE DIAMOND STAR. Nakasama na rin ni Judy Ann ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa ilang mga proyekto.

Aniya, “Super-ganda ng experience ko kay Ate Marya!

“Nung bata ako, sa Maricel Drama Special, sa sobrang favorite niya sa akin, pag lalaki yung gaganap na character dun sa episode, papapalitan niya ng batang babae, basta para lang makuha niya ako.

“Tapos pag madaling-araw na, pag nakikita niyang tulog na ako, ipapahatid niya ako sa Antipolo [kung saan nakatira noon si Judy Ann]. Ganun siya.

“Tapos may time yun na sa eksena, nakita niya madumi yung tenga ko, nilinis niya tenga ko, ginupitan niya yung kuko ko.

“Kaya every time na magte-taping ako with Maricel Soriano, kailangan maghihilod ako, naggugupit ako ng kuko, nagsusuyod ako, malinis.

“Sa kanya ako natuto na maging malinis talaga sa katawan, maging mabango, sa lahat ng oras!”

Dagdag pa ni Judy Ann, “Si Maricel, hindi mo maamoy ‘yan na mabaho, kahit kailan hindi mo ‘yan maaamoy na mabaho siya—mula kamay hanggang hininga.

“At saka siya yung nagsabi sa akin na, ‘O, anak, pag umuuwi ka ba nang puyat na puyat ka, naliligo ka pa?

“‘Huwag kang maliligo, ha, mag-alcohol ka, pagkatapos magsabon ka. Pagkatapos mag-alcohol ka ulit, tapos mag-baby powder ka.

“‘Huwag kang maliligo kasi mapapasma ka. Tingnan mo ako, wala akong ugat.’

“Wala naman talaga! Wala siyang ugat.”

Ayon din kay Judy Ann, “Si Maricel din yung what you see is what you get.

“Wala siyang sugar-coating.

“Hanggang ngayon, pag nagkikita kami, ang huli niyang sinabi sa akin, ‘Alam mo, proud na proud ako sa iyo!’

“Hindi ko makakalimutan yun.

“Nagkasama kami sa ribbon-cutting ni Dra. Aivee [Aguilar-Teo, beauty doctor], siya yung nagsabi sa akin na, ‘Alam mo, anak, proud na proud ako sa iyo kasi ang ganda-ganda mo, ang seksi-seksi mo, tapos ang saya-saya mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Ipagpatuloy mo 'yan. Huwag mong hahayaan na tapakan ka ng kahit na sino!’

“Iyan yung mga words na sinabi sa akin ni Ate Maricel.”

THE STAR FOR ALL SEASONS. Pawang mga papuri at paghanga rin ang mga ipinahayag ni Judy Ann sa iba pang movie queens na nakatrabaho niya; tulad nina Gloria Romero, Susan Roces, at ang mga yumao nang sina Charito Solis at Nida Blanca.

“Na hanggang ngayon, looking back… oo nga naman, nakasama ko na pala talaga silang lahat,” pakli niya.

Ngunit may isa pang reyna ng Philippine Movies ang hindi pa nakakatrabaho ni Judy Ann.

Ito ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“So, Ate Vi, makinig ka!” ang tumatawang pagbibiro ni Judy Ann.

Bakit hindi pa sila nagkakatrabaho?

“Si Ate Vi, alam ni Ate Vi ‘yan, talagang gustung-gusto ko siyang makatrabaho.

“Alam ng Star Cinema, hinihingi ko sa kanila si Ate Vi for the longest time.

“So, sila na lang ang tanungin niyo!” at tumawa si Judy Ann.

MOVIE QUEEN. Bilang itinuturing ding isang movie queen, ano naman ang nais ni Judy Ann na sabihin ng ibang tao tungkol sa kanya kung sakali?

“Hindi ko masabi. Basta, sana good words.

“Gusto ko lang namang maging magandang example sa mga kabataan, sa mga sumusunod sa akin o sa susunod sa akin.

“Kasi wala naman akong legacy’ng iiwanan dahil hindi naman ako… alam mo yun, hindi naman ako nag-iwan ng pathway para sundan nila ako.

“Naniniwala ako na ang bawat isang artista, may sari-sarili silang path, so hindi sila dapat kumopya ng path kasi iba-iba tayo ng pupuntahan.

“Bilang artista, bilang tao. Para mapuntahan nila yung gusto nilang marating, they have to follow their heart.

“Hindi sila puwedeng mag-follow sa footsteps ng iba, kasi iba yung kakayahan ko, iba rin yung kakayahan nila.

“May kaya sila na hindi ko kaya, may kaya ako na hindi nila kaya o baka mas mahigitan pa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag sana nilang limitahan yung passion nila sa pag-aartista dahil meron silang gustong sundan, not particularly me, pero yung journey nila sa industriyang ito, hindi dapat maantala, or dapat mag-grow siya.

“Kasi ako, ang dami kong taong tiningala.

“Sa lahat ng tao na yun, alam mo kung ano yung isa talaga na tumatak sa lahat ng qualities nila, na isa na pare-pareho sila: mahalin mo ang mga tao sa paligid mo.

“Irespeto mo sila, maliit o malaking tao.

“Pag nagpakita ka ng respeto sa kanila, mawala ka man, pag bumalik ka, nandiyan pa rin sila, yayakapin ka nila.”

At sa pagbabalik ni Judy Ann sa showbiz, isa sa pinagkakaabalahan niya ay ang indie movie na Kusina, na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong Agosto.

Bukod dito ay bagong brand ambassador si Judy Ann ng Sunlife Financial Philippines; kasama sina Piolo Pacual, Matteo Guidicelli, at Charo Santos-Concio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN