Alfred Vargas happy about acquittal of former President Gloria Macapagal-Arroyo

IMAGE Reielle Deslate

Naglabas ng official statement si Quezon City Fifth District Representative Alfred Vargas kaugnay ng pagpapawalang-sala ng Supreme Court kay dating Pangulong Gloria Macapag-Arroyo sa kasong plunder. Si Arroyo ay itinuturing na malapit na kaibigan ng pamilya ni Alfred.


Ikinatuwa ng actor-politician na si Alfred Vargas ang pagpapawalang-sala ng Supreme Court kay former President Gloria Macapagal-Arroyo, na halos limang taon nakakulong sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder.

Napaluha pa nga raw ang Quezon City Fifth District House Representative sa balitang ito dahil family friend nila si Arroyo.

Sa text message ni Alfred sa PEP, sinabi nitong hindi pa sila personal na nagkakausap ni Arroyo, na malapit na kaibigan ng kanyang namayapang ina.

Pero naglabas siya ng official statement tungkol sa pagpapalaya sa dating pangulo:

“I respect and welcome the decision of the Supreme Court.

“I congratulate former President and now Representative Gloria Macapagal-Arroyo and her family on the outcome of the SC decision.

“She can now actively pursue her work in Congress and her other advocacies, receive proper medical care, and be surrounded by her family and friends.

“Indeed, today is a blessed day for the Arroyos.”

Plano raw ni Alfred na dalawin si Arroyo pagkatapos ng State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte sa Lunes, July 25.

Pero may posibilidad na magkita sila ng dating pangulo dahil may balak itong dumalo sa nasabing pagtitipon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN