Kris Aquino gets criticized for choosing AlDub movie over Enrique Gil's film

IMAGE From Instagram (@kriscaquino )

Why did Kris Aquino decide to watch AlDub's movie and not fellow Kapamilya actor Enrique Gil's movie? The Queen of All Media explains.


Nag-react ang ibang netizens matapos i-post ni Kris Aquino sa Instagram na pinanood niya—kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby—ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You And Me.

Ang AlDub movie ay iprinodyus ng APT Entertainment, GMA Films, at M-Zet TV Productions; idinirek naman ito ni Mike Tuviera.

Read: Kris Aquino praises Alden and Maine after watching Imagine You And Me

Sa nasabing Instagram post ni Kris, inisa-isa ng actress-TV host ang mga nagustuhan niya sa Imagine You And Me, at ginamit pa ang hashtag na #tangkilikinangpelikulangpilipino.

Sa comments section, ikinatuwa ng AlDub fans ang pagsuport ng Queen of All Media sa pelikula ng kanilang mga idolo.

Pero may netizens ding nag-react kung bakit hindi pinanood ni Kris ang pelikula ni Enrique Gil na Dukot.

Kasabay kasing nagbukas ng Imagine You And Me ang Dukot noong July 13.

Ang Dukot ay iprinodyus ng Ten17 Productions at Star Cinema, at idinirek ni Paul Soriano.

May iba namang nagmungkahi na baka gusto ring panoorin ni Kris ang pelikula ng kapwa niya Kapamilya star at maging ang The Achy Breaky Hearts nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Ian Veneracion.




May isang netizen pa ang nagkomento na sinabi dati ni Kris na “love” niya si Enrique at inaanak niya sa kasal si Direk Paul at asawa nitong si Toni Gonzaga.


Sa comment section, ipinaliwanag ni Kris na Rated PG-13 ang pelikula ni Enrique kung kaya’t hindi niya maisasama si Bimby. Pero gusto rin daw niya itong panoorin.


May ilang netizens naman ang nagsabi na may karapatan si Kris na panoorin ang gusto niya at sana ay irespeto na lamang ito.

Mayroon pang nagkomento na wala namang masama kung pinanood ni Kris ang AlDub movie; maging si Judy Ann Santos na Kapamilya star din ay nanood ng pelikula ng AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN