Gerald Anderson admits regret over breakup with Bea Alonzo

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson on his failed relationship with Bea Alonzo: "Siyempre nanghihinayang ako na sana mas nakilala ko siya na mas deeper level. Of course, nakilala ko siya na very deep level, pero marami pa sanang layer yun."


“Ay, sobra, sobrang unbelievable!”

Ito ang nakangiting sagot ni Gerald Anderson nang tanungin kung ano ang pakiramdam na naging girlfriend niya ang isang sikat na aktres tulad ni Bea Alonzo.

Nasa General Santos pa lang daw noon si Gerald ay crush na niya ang Kapamilya actress.

Lahad ng 27-year-old actor, “Wala po akong kaalam-alam sa showbiz, hindi po ako nakakaintindi ng Tagalog.

“Pero yung isang kaibigan ko, nanonood siya ng TV sa sala ko, tapos sinamahan ko siya, nakita ko siya [Bea] dun sa TV, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, yun ang soap sa TV.

“Noong makita ko siya, sabi ko, ‘Sino ‘yan, sino ‘to?’

“Then, yun, sinabi nga na si Bea Alonzo.

“Siguro isang taon pa lang ako sa GenSan from America.

“Siguro mga 14 or 15 years old ako.”

Dugtong pa ng ex-Pinoy Big Brother housemate, “Noong mag-shooting nga kami noong first day namin, parang hirap na hirap ako.

“Parang hindi ako makapaniwala na kaeksena ko siya.

“Yung eksena nga namin, lalabas siya ng gas station, may dala siyang kape.

“Yung isip ko, hala, hala… gumaganun na, ano ang nangyari, as in natulala ako.

“More than yung… yes, crush ko siya, pero sobrang grateful ako na inilagay ako ni Papa God sa ganitong relasyon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Gerald sa presscon ng pelikula nila ni Bea na How To Be Yours noong Biyernes, July 15.

THE END OF A RELATIONSHIP. Inamin ni Gerald na nanghinayang siya na hindi nagtagal ang relasyon nila ni Bea.

“Oo naman, oo naman,” sambit niya.

Pero siya ba ang may kasalanan kung bakit sila nag-break?

“Oo, ako,” pag-amin ni Gerald.

“Sabi nga nila, ano ako, immature.

“Natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin. Hindi ko alam paano i-handle.”

Pero nilinaw ni Gerald na walang third party sa breakup nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba ng closure ang breakup nila noon? Kung wala, napag-usapan ba nila ang tungkol dito ngayon?

“Well, like I’ve said, lalo na ngayon, halos every day po kaming magkasama, palagi naming napag-uusapan ang past namin, pati yung mga pinagdaanan namin before.

“Siguro kung hindi kami okey at wala kaming closure, hindi namin pag-uusapan yun and, at the same time, natatawa pa kami.

“Sabi ko kanina, we’re on a good level right now at ini-enjoy lang namin ‘to.”

CONTINUATION? Kung titingnan sila ngayon, mukhang masaya at mas relax na sina Gerald at Bea. Nagagawa rin nilang magbato ng hirit at biro sa isa’t isa.

Kaya nga aminado ang aktor na may panghihinayang sa kanya dahil hindi nagtagal ang relasyon nila.

Ayon kay Gerald, “Siyempre nanghihinayang ako na sana mas nakilala ko siya na mas deeper level.

“Of course, nakilala ko siya na very deep level, pero marami pa sanang layer yun.”

Puwede kayang madugtungan ang kanilang relasyon, lalo na ngayong mas kilala na nila ang isa’t isa?

Tugon niya, “Exciting na palagi ko siyang kasama. Nag-e-enjoy ako.

“Alam mo yun, pero ayaw naming magpadala sa ganung pressure.

“Siyempre, alam na namin na mangyayari ‘to, may mga ganitong tanong.

“Pero parang wala lang, wala lang sa amin.

“Kapag magkasama kami, it’s very organic and very natural.

“We’re catching up.”

Naniniwala ba siyang love is lovelier the second time around?

“Wow, hindi ko pa na-experience,” tugon ng Kapamilya actor.

COMMITMENT. Katulad ni Bea, naniniwala rin si Gerald na hindi porke’t pareho silang single ngayon ay puwede na nilang ituloy ang naudlot nilang relasyon.

Ayon kay Gerald, “Hindi lang naman yun, there’s also commitment. Kung ready ka nang mag-commit.”

Hindi pa ba siya handang mag-commit muli sa isang relasyon?

Saad ni Gerald, “Ang dami ko pang commitments sa ngayon sa personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I promised so many things to different people. So, ngayon, yun ang focus ko.

“But it doesn’t mean na kapag dumating na siya or dumating ang tao, iiwasan ko.

“Huwag naman, huwag nating pangunahan.”

Sa pagsasama nila ngayon sa How To Be Yours, bumalik ang closeness nila. Posible kayang kahit tapos na ang pelikula nila, makikita pa rin silang magkasama?

Sagot ni Gerald, “Why not, bakit naman hindi?

“She’s amazing to be with, ang sarap niyang kasama.

“Ang sarap niyang kausap. Ang sarap niyang tingnan.”

Hindi ba mas nakakailang na magkasama sila sa isang pelikula ngayon?

Mabilis niyang sagot, “Abangan niyo ang macho dancing scene ko, seryoso talaga.

“At na-catch yung reaction niya so I’m sure kasama yun.

“Si Direk Dan [Villegas], he’s genius pagdating sa mga ganun.

“Kaya sobrang blessed ako na may second movie ako with him and second love scene!” biro pa niya.

Dagdag pa ni Gerald, “Sobrang grateful lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN