Aljur Abrenica almost gave up on Hermano Puli

IMAGE Nerisa Almo

"Sobrang nahirapan kami to the point umabot yung isang buwan na tanggap ko na wala na," says Aljur Abrenica about how he and director Gil Portes tried to find a producer for their movie Hermano Puli.


Sa halip na pag-arte, mas naging challenging pa raw kay Aljur Abrenica ang paghahanap ng financer at producer para sa pelikulang Hermano Puli.

Sa press conference ng pelikula kahapon, July 19, sinabi ng Kapuso actor na halos sumuko na siya sa paggawa ng pelikula ni Direk Gil Portes.

Dagdag ng 26-year-old actor, “Kasi, parang naramdaman ko na hindi siya para sa akin.

Ginawa na namin lahat ni Direk Gil para makahanap ng producer.

Sobrang nahirapan kami to the point umabot yung isang buwan na tanggap ko na wala na.

Tanggap ko na sa sarili ko, tapos nakatanggap ako ng tawag to say na tuloy na kami at nakahanap na ng producer.

Almost talaga, nawalan na ako ng pag-asa. Thank God kasi dumating.”

Patuloy ni Aljur, “Naramdaman ko kung gaano kahirap ang proseso ng paggawa ng pelikula mula sa paghahanap ng producer.

“Nakaabot kami sa Bulacan, na-turned down kami; umabot kami sa Paranaque, na-turned down din kami; minsan naman hanging.

“So, I consider this as one of the most difficult projects I've done. Hindi ko talaga makalimutan.”

Ang Hermano Puli ay isa sana sa official entries noong Metro Manila Film Festival 2015, ngunit nag-back out ito dahil sa kawalan ng producer.

Ngayong tapos na, napili ang pelikula na maging closing film sa gaganaping 2016 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa August.

Ito ay ipalalabas sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay sa August 13.

Ipalalabas naman ito sa commercial cinemas sa September.

PORTRAYING HERMANO PULI. Samantala, bilang paghahanda, sinabi ni Aljur na talaga sinadya na ang Quezon province para kilalanin nang husto si Hermano Puli, na itinuturing niyang isang bayani.

“Kasi, upon my research, wala talaga akong makuhang information about Hermano Puli.

“It got me frustrated, so pumunta ako sa Quezon province, I stayed there for four days,” kwento ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, kinailangan din daw niyang magbawas ng timbang noong mga panahong ginagawa nila ang pelikula.

“Sinadya kong mag-lose ng 15 pounds.

“That's the time na maraming nagtatanong sa akin kung bakit ako pumayat, depressed ba ako, blah, blah, blah.

“Nagpahaba rin ako ng buhok just to feel my character physically.

“Even emotionally, he is very compassionate sa tao.

“So spiritually, intellectually, binasa ko yung Bibliya ng Tagalog.”

WORKING WITH BROTHERS. Sa kabila ng hirap sa paghahanap ng producer, masaya naman si Aljur na gawin ang pelikula lalo pa't kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Vin at Allen Abrenica.

Saad niya, “It was fun. I never felt na I have to do this, na napipilitan ka.

“The journey itself is amazing, it's always fun, inspired kang magising kasi you wake up with your brothers, inspired ka mag-taping the whole day.

“Kahit yung mga free time namin, kaming magkakapatid, hindi kami natutulog, binabantayan namin ang isa't isa.”

Todo-suporta rin ang ibinibigay ni Aljur sa mga kapatid, lalo na sa first-time actor na si Allen, na kasama niya sa press conference.


Aljur Abrenica with younger brother Allen.

Aniya, “Ang sarap sa pakiramdam, kasi yung mga trabaho namin, handa kami.

“Nagugulat ako si Allen, may nagagawang ganito; si Vin, may nagawang ganitong eksena.

“Lagi nga kaming nag-[high five] kapag may nagawang eksena, gising kami palagi.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen kung tuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa showbiz.

Maiksi at nahihiyang sagot niya, “For now, gusto ko po, pero marami pa po akong kailangang matutunan bago pumasok sa showbiz. Gusto ko pong maging handa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN