Bea Alonzo says ex-BF Gerald Anderson reminds her of her carefree moments

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo on closure in her relationship with ex-boyfriend Gerald Anderson: "Siguro through time, nagkaroon kami ng closure. Kasi noong panahon na yun, parang hindi ganun kalinaw, kasi it was just a short relationship. So, parang siguro, at least sa parte ko, I'm speaking for myself, sana mas marami pa akong na-discover sa kanya."


Nagkasama muli sa trabaho ang dating magkasintahan na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa panahong parehong silang single.

Kumbaga, walang hadlang kung sakaling magkabalikan sila.

Ngunit ayon kay Bea, “Well, hindi lang naman yun ang ingredient. Hindi lang naman ang timing.

“Siyempre, ready ka ba or hindi, marami ‘yang factor.

“Kami, kung ano ang nakikita niyo, yun yun.

“Parang nag-e-enjoy kami sa isa’t isa.”

Posible kayang lumabas silang dalawa lang kahit tapos na ang pelikula nilang How To Be Yours?

Natatawang sagot ni Bea, “Siguro puwede, kapag nasa mood akong makita siya.

“Binu-bully namin ang isa’t isa.”

Paano nila binu-bully ang isa’t isa?

“Yung mga past, yung mga pinagdaanan. Ngayon, nadyo-joke na namin ‘yan.”

Nagkaroon ba ng closure ang relasyon nila ni Gerald?

Ayon kay Bea, “Siguro through time, nagkaroon kami ng closure.

“Kasi noong panahon na yun, parang hindi ganun kalinaw, kasi it was just a short relationship.

“So, parang siguro, at least sa parte ko, I’m speaking for myself, sana mas marami pa akong na-discover sa kanya.

“To be honest, hindi nga namin napagdaanan ang struggles na pinagdaanan nina Anj at Nio, e.

“Kasi, maikli lang ang relasyon namin.

“But when I look back, parang gusto kong balikan yung time when we were together, yun yung ako na carefree, I was young.

“And he will always remind of the time when I was carefree.”

MORE COMFORTABLE. Dahil nga raw sa paggawa nila ng pelikula at mas naging kumportable sila sa isa't isa.

Saad ng 28-year-old actress, “Yung nag-develop siguro sa amin, us being more comfortable with each other being in front a lot of people.

“Yun, sobrang nag-e-enjoy kami. Hindi siya pilit, it’s very organic.

“At saka si Direk Dan Villegas, nakikipag-coordinate. Para bang walang mali, walang tama.

“Gusto niya yung kung ano ang totoong nararamdaman namin at that very moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro makikita nila yun sa pelikula.”

Sabi nga ni Gerald, naging kumportable siya sa macho-dancing scene nila ni Bea.

Natatawang sabi naman ng Kapamilya actress, “Well, naging kumportable ako dahil nakakatawa.

“Alam niyo yung hitsura niya, tapos ako, yung hitsura ko sa love scene, sobrang hot niya, tapos ako… hiyang-hiya ako!

“Pero noong ginawa niya yung macho-dancing scene, mas naging kumportable ako.”

Mas yummy ba si Gerald ngayon?

“Ay, naku, kapag napanood niyo, I think ito yung hottest,” nakangiting sabi ni Bea.

Mas nakakailang bang kaeksena sa isang love scene ang naging ex-boyfriend niya?

Tugon niya, “Kapag inisip mo yung ganyan, yung sasabihin ng ibang tao, medyo nakakailang.

“Pero siyempre, dapat mas kumportable…

“Ako, to be honest, kapag hinahawakan ko siya, mas kumportable, kasi it’s a familiar feeling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN