Joshua Garcia admits crush on Kathryn Bernardo: "Pero wala kaming ilangan ni Daniel."

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia has happy memories of his time with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla while doing their movie in Spain. He shares, "Inaalalayan nila ako dahil bago ako… Sobrang close namin dun, sabay-sabay kaming nagdi-dinner. Inggit nga ako kasi wala akong ka-sweet-sweet-an… sobrang sweet nila sa Barcelona."


Inamin ni Joshua Garcia na naging espesyal sa kanya ang dating kapareha at kasamahan sa Pinoy Big Brother na si Loisa Andalio.

Saad niya, “Sinabi ko naman din sa mga interviews sa akin na special friend ko talaga si Loisa.

“Kumbaga din, a friend, mayroon kaming relasyon sa isa’t isa na sobrang matalik na magkaibigan.”

Pero hindi raw talaga naging sila.

“Hindi, unang-una napakabata ni Loisa,” sabi ni Joshua.

Hindi kaya nakakaramdam ng selos o pagkailang si Joshua kay Jerome Ponce dahil ito ang katambal ni Loisa sa Wansapanatayam Presents Candy’s Crush?

Aniya, “Okay naman, magkakatrabaho kami sa ASAP, so wala naman kaming ilangan.

“Crush lang naman yun.

“Crush ko nga si Kathryn [Bernardo] pero wala kaming ilangan ni Daniel [Padilla]”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa presscon ng upcoming ABS-CBN drama series na The Greatest Love.

BONDING IN SPAIN. Anu-ano ang mga katangian ni Kathryn na nagustuhan niya?

Sagot ni Joshua, “Siguro yung pagiging mahinhin niya, babaeng-babae talaga.”

Kasama si Joshua sa pelikula nina Kathryn at Daniel Padilla na ang malaking porsiyento ay kinunan pa sa Barcelona, Spain, sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

Masaya raw katrabaho sina Daniel at Kathryn.

“Inaalalayan nila ako dahil bago ako.”

Biro nga rin ng young actor, naiinggit siya sa sobrang sweetness na nakita niya sa dalawa sa Barcelona.

“Sobrang close namin dun sa Barcelona, sabay-sabay kaming nagdi-dinner.

“Inggit nga ako kasi wala akong ka-sweet-sweet-an… sobrang sweet nila sa Barcelona.

“So, si Inang [Direk Olive] ang niyayakap ko… hanggang pagbalik dito, nag-bonding na agad kami.

“Nagpunta ako sa bahay ni DJ [Daniel], naglaro kami ng rock band.”

Si Joshua ang balitang third wheel sa pag-iibigan nina Kathryn at Daniel sa nasabing pelikula.

Ipinagpapasalamat nga ni Joshua na wala siyang pamba-bash na tinatanggap mula sa avid Kathniel fans.

“Wala naman, sobrang babait nila sa akin, wala namang problema.”

Dugtong pa niya, “Actually, di ko pa puwedeng sabihin kung third wheel ba ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero maganda ang character ko dun, importante siya sa movie.”

INANG OLIVE. Kilalang mahigpit at perfectionist si Direk Olive, at nuong una nga raw ay kinakabahan si Joshua habang nakasalang siya sa mga eksena.

“Kasi talagang gusto niya maganda talaga, perfectionist.

“Tapos nung nandun na ako, iba pala, napakabait niya.

“Inaalalayan niya ako kasi alam niyang bago ako.

“Kumbaga, pag trabaho, trabaho, ayaw niya ng naglalaro.

“Pag tapos na ang shooting, puwede na kayong magdaldalan, puwede na kayong maglaro.”

Huling napanood si Joshua sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Ngayon ay bahagi siya ng The Greatest Love, kung saan makakasama niya sina Sylvia Sanchez, Andi Eigenmann, Dimples Romana, Matt Evans, at Arron Villaflor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN