Morissette Amon steps out of the shadow of Sarah Geronimo

IMAGE Mark Atienza

Morissette Amon is very much on her own now as an artist making her way in the entertainment world and looking back. She says about Sarah Geronimo, "Siya talaga yung top musical influence ko ever since. I have nothing less than gratefulness dahil ang laki ng contribution niya sa singing career ko."


Noong una ay ikinukumprara si Morissette Amon kay Sarah Geronimo, na coach niya sa The Voice season one.

Malaki kasi ang pagkakahawig nila sa hitsura at sa istilo ng pagkanta.

Ngayon daw ay unti-unti nang nakakawala si Morissette sa anino ng Pop Princess.

Pahayag niya, “I am grateful kasi people are starting to appreciate me and see my place in the industry, hindi lang bilang kamukha ni Coach Sarah.

“Of course, I am very grateful sa kanya.

“Siya talaga yung top musical influence ko ever since.

“Nung bata ako, sobrang favorite ko yung mga songs niya, yung style niya.

“When I got to work with her in The Voice, lalo siyang napamahal sa akin.

“Right now, I have nothing less than gratefulness kay Coach dahil ang laki ng contribution niya sa singing career ko.”

FIRST CONCERT. Masayang-masaya raw si Morissette sa tinatakbo ng kanyang singing career na nagsimula nga sa The Voice.

Saad niya, “My career at the moment, I’m very, very happy.

“Hindi ko ini-expect na magiging ganito ako ka-busy, ka-go around places.

“I have no one else to thank kundi yung family ko, yung support system ko, yung team ko.

“Talent Management Stages, Star Music, of course, for my album.

“It’s the songs that really brought me sa iba’t ibang lugar, I’m very, very happy.”

Nakagawa na nga siya ng sariling pangalan sa music industry.

Bilang pasasalamat sa kanyang mga tagahanga ay isang solo concert ang pinaghahandaan niya.

“Right now, wala pa akong bagong album, kasi we are working on my very first concert on August 13 in Music Museum.

“It’s produced by Star Creatives and Stages Productions… to celebrate everything na na-achieve ko since The Voice and way back.

“I’m happy na very game yung team ko and excited kami.

“Sana magustuhan ng mga tao at suportahan nila.”

Hindi para raw niya pwedeng i-reveal kung sino magiging guests niya sa kanyang solo concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRIT QUEENS. Samantala, isa sa mga inaabangan ngayon sa ASAP XX ay ang performances ng Birit Queens na kinabibilangan nina Morissette, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, at Jonah (dating Jonalyn Viray).

Sinabi ni Morissette na walag kumpetisyon at sapawan na nangyayari sa kanilang apat.

“Wala, isa sa gustong-gusto ko is we’re like a family behind the camera.

“Of course, when we’re on stage, we’re showing what we have.

“Yung showdown talaga na biritan, okey sa amin, kasi yun ang passion namin.

“Pero backstage, tinatawanan lang namin yung mga performances.

“We’re really good friends, walang sapawan.”

Dagdag pa ni Morissette, “I think ASAP is also very, very fair… equal kaming lahat, kanya-kanyang part to shine.

“Masarap din na naa-absorb namin ang energy ng co-birit queen namin.

“Tinatapatan lang namin para lang maganda yung kalalabasan.

“Hindi namin sinosobrahan para walang sapawan.”

Bawat isa sa Birit Queens ay nakabuo na ng sariling hukbo ng mga tagahanga, na madalas naman ay sila ring mga bashers ng mga ito sa social media.

Hindi raw ito big deal para kay Morisette dahil ang mahalaga sa kanya ay ang magandang samahan nila sa grupo.

Sabi niya, “Dine-defend lang din nila ang mga favorite artists nila and I have no problem with that.

“As long as na, kami, internally, we’re okay… pag may mga ganung mga situations, we talk it over.

“Hindi na lang namin pinapansin, as long as we perform, we’re happy, we’re enjoying.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN