Sam Ajdani fails Mr. World 2016 bid; India wins title

IMAGE Courtesy of Miss World Organization

Filipino-Persian model Sam Ajdani (left) is the Philippines' representative to the Mr. World 2016. The title was won by Indian TV personality Rohit Khandelwal, while the runners-up are Fernando Alvarez of Puerto Rico and Aldo Esparza Ramirez of Mexico (right photo).


Nabigo ang kandidato ng Pilipinas na si Sam Ajdani na makapasok sa semifinals ng Mr. World 2016, na ginanap sa Southport Theater and Convention Center, Southport, United Kingdom, noong July 19.

Ang 26-year-old Indian national at television personality na si Rohit Khandelwal ang nanalo ng Mr. World 2016 title.

Mga runners-up ni Khandelwal sina Fernando Alvarez ng Puerto Rico (1st runner-up) at Aldo Esparza Ramirez ng Mexico (2nd runner-up).

Sa panayam kay Khandelwal, sinabi nitong hindi siya makapaniwala na napanalunan niya ang Mr. World 2016 title.

Siya ang first Indian na nanalo ng naturang international title na katuparan daw ng kanyang pangarap.

Ang naging host ng Mr. World 2016 ay si Miss World 2013 Megan Young.

Dahil dito kaya dalawang linggo na walang taping ang cast ng Conan, My Beautician, ang Sunday afternoon sitcom ng GMA Network.

Si Megan ang leading lady ni Mark Herras sa Conan, My Beautician.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN