Yasmien Kurdi reveals Katrina Halili used to bully her during their StarStruck days

IMAGE Noel Orsal

Yasmien Kurdi (left) on the old Katrina Halili (right): "Maldita siya talaga. Saka binu-bully niya ako. Lagi niya akong inaaasar sa backstage. Tapos lahat ng sasabihin ko, may bara. Kaya pagdating sa backstage, parang tahimik na lang ako."


Nasorpresa si Katrina Halili sa harap-harapang rebelasyon ni Yasmien Kurdi tungkol sa mga itinago nitong hinanakit noong mga contestant pa lamang sila ng unang season ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA Network.

Si Yasmien ang naging First Princess, samantalang na-eliminate naman si Katrina.

Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang mga itinanghal na Ultimate Survivors.

Nangyari ang pagbubunyag ni Yasmien sa taping ng Sa Piling Ni Nanay, ang afternoon soap na pinagbibidahan nila nina Katrina at Mark, kahapon, July 20.

Si Katrina ang nakapansing maiiyak na si Yasmien nang tanungin ito ng mga reporter na bumisita sa set ng Sa Piling Ni Nanay tungkol sa mga pagbabago sa ugali ni Katrina mula nang magkasama sila sa nabanggit na programa.

Pahayag ni Yasmien, “Bumait siya.

“Maldita siya talaga. Saka binu-bully niya ako.

“Lagi niya akong inaaasar sa backstage. Tapos lahat ng sasabihin ko, may bara.

“Kaya pagdating sa backstage, parang tahimik na lang ako.”

Patuloy niya, “Nung StarStruck, okay kami.

“Pero after nung StarStruck, parang na-intimidate ako sa kanya.

“Strong talaga ang personality niya, and then... basta naiiyak ako sa kanya.

“Pero ngayon, okey na, ang bait pala ni Kat.

“Siyempre, noong bata ka, masyado kang sensitive.

“Kapag ikinuwento mo siya, iiyak ka agad, kaya ayoko nang mag-open up ng mga ganoon.

“Pero pagdating ng ilang taon, matatawa ka na lang.”

Natawa rin ngunit halatang nabigla si Katrina sa ikinuwento ni Yasmien dahil hindi niya inaasahang may kinimkim pala itong tampo sa kanya.

Pagtatanggol naman ni Katrina sa sarili, “Sobrang kulit niya kasi dati.

“Kung bata ako, mas bata siya. Seventeen ako, 14 siya.

“Ano siya, batang competitive.

“Bata kasi, batang pabibo.”

Dagdag pa niya, “Pero ngayon, nag-mature na si Yas.

“Tamed na siya, dalaga na, pero parang sumobra na siya.

“Dati, ang tingin ko sa kanya, bata.

“Ngayon, parang sumobra na siya sa pagkadalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Uy, ikaw pa ba ‘yan?’

“Ako na yung naloloka sa mga nalalaman niya!

“From bata, naging wow! Okey na siyang kausap ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN