Encantadia actress Vaness del Moral more inspired because of non-showbiz boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Vaness del Moral on handling a relationship: "I'm a lot wiser now. Hindi na ako yung puro puso… nakakapag-isip na rin ako nang tama. Noon, I admit, baliw-baliwan ako sa love. It's because dala yun ng childhood ko. I was always searching for affection. Kaya when I love, todo talaga. Yung tipong wala nang matitira para sa iyo. Now, mas maingat na ako. Fifty-fifty na."


May rason kung bakit kakaiba ang ngiti ngayon ng Kapuso actress na si Vaness del Moral.

Ito ay dahil sobra siyang in love sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Matt Kier.

Magtu-two years na raw ang relasyon ni Vaness kay Matt.

Pahayag ng StarStruck alumna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ito na ang masasabi kong happiest relationship ko.

“I mean, sobra masaya lang kami.

“I’ve been in different relationships before, pero iba ito, e. Tinalo niya ang mga yun.

“Masasabi ko na I am lucky to have this person in my life.

“Sana ay lucky din siya to have me in his.”

MOVING ON. Matagal din daw bago pumasok sa isang relasyon si Vaness pagkatapos niyang makipag-break sa aktor na si Biboy Ramirez noong 2013.

Inabot daw ng isang taon bago siya naka-move on mula sa relasyong iyon.

Saad ni Vaness, “Sa mga nakakakilala sa akin talaga, kapag nagmahal ako, todo yun.

“As in, ang mundo ko umiikot sa taong yun. Ganun ako magmahal talaga.

“Kaya noong mangyari yun sa amin ni Biboy, sobra akong na-down. Emotionally traumatized ako, kumbaga.

“It took a long time bago ako maka-move on. I took it one day at a time.

“Kasi that was my longest relationship. Four years din yun.

“So, just imagine yung na-invest mong emotions sa relasyon na yun.”

Patuloy niya, “You just don’t say na it’s over at move on ka na agad. Hindi pala ganun kadali yun.

“It really took some time before I was able to convince myself na okey na ako at ready na ako makipag-date ulit.

“I just used to stay at home lang. After ng trabaho, uwi ako kaagad.

“Hindi kasi ako mahilig gumimik kaya walang chance to meet other people.

“Noong okey na talaga ako and ready to give myself a break, doon na dumating ang isang tao na nagpangiti ulit sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakagulat lang na ang taong ito ay kilala mo na noon pa, pero hindi mo alam na kayo rin pala ang magtatagpo balang araw.”

VANESS’S BOYFRIEND. Kung noon ay itinatago pa ni Vaness kung sino ang boyfriend niya, ngayon ay proud na niyang ipakita ito.

Saad niya, “Nasa Instagram account ko ang mga photos namin ni Matt.

“Before, gusto ko pa siyang itago. Kasi it was a new relationship at hindi nga siya showbiz.

“Ayokong magulat na lang siya with all the questions about me etc, etc.

“Eventually, we made it public na. Kasi matagal na rin kaming magkakilala bago naging kami.

“Hindi mo rin naman maitatago ang taong mahal mo, di ba?

“People will know somehow. Kaya nagpo-post na ako ng photos namin.”

Sabi pa ni Vaness, “Proud ako sa kanya. Simpleng tao lang at alam kong totoo ang feeling niya para sa akin.

“Kapag tinatanong ako kung boyfriend ko ba yung nasa Instagram ko, lagi kong sagot, ‘Alam niyo na yun!’”

Marami na raw natutunan si Vaness mula sa mga nakaraang niyang relasyon.

“I’m a lot wiser now. Hindi na ako yung puro puso… nakakapag-isip na rin ako nang tama.

“Noon, I admit, baliw-baliwan ako sa love.

“It’s because dala yun ng childhood ko. I was always searching for affection.

“Kaya when I love, todo talaga. Yung tipong wala nang matitira para sa iyo.

“Now, mas maingat na ako. Fifty-fifty na.

“But I am a lot happier now. Magaan itong relationship ko ngayon. Halos walang problema.

“It’s a relationship that is too good to be true.”

GURNA IN ENCANTADIA. Hindi lang sa lovelife masaya ngayon si Vaness, kundi pati na rin sa showbiz career niya.

Pagkatapos ng romantic-comedy teleserye na Because of You, nakasama siya sa malaking cast ng Encantadia bilang si Gurna.

Siya ang gumaganap sa role na Gurna, na unang ginampanan ni Girlie Sevilla noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Mas malalaman nila kung sino si Gurna at bakit may matindi siyang hangarin na guluhin ang mga diwata.

“Mas may kuwento siya ngayon at maiintindihan ng marami kung bakit niya ginawa ang mga iyon kahit na alam niyang masama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN