Annabelle Rama on 'going strong' relationship of Ruffa and BF: "Kunyari lang 'yan, 'Day!"

IMAGE Noel Orsal

Kahit dalawang taon na ang relasyon nina Ruffa Gutierrez at Jordan Mouyal, hindi raw naniniwala si Annabelle Rama na 'going strong' ang samahan ng dalawa. Lagi raw kasing nagsusumbong sa kanya ang mga apong sina Lorin at Venice tungkol sa pag-aaway nina Ruffa at Jordan.


Kahit dumaan sa matinding pagsubok ang buhay ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez, sinabi ni Annabelle Rama na hindi pa rin sila masyadong nag-uusap.

Lalo na raw kapag ang topic ay tungkol sa karelasyon ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

Saad ni Annabelle, “Hindi nga kami lalo nag-uusap, kasi alam ko...

“Kasi sabi sa akin ng dalawang bagets [Lorin and Venice], lagi daw nag-aaway, kaya idinadaan ko na lang sa dasal.

“Kasi, sabi ko, ayoko na yung katulad dati na minumura, parang natakot rin ako.

“Kasi sabi ng doctor, baka daw sa stress din ni Ruffa, walang pahinga.

“Tapos, sabi sa akin ng mga bata, hanggang madaling-araw, may kausap siya [Ruffa] tungkol sa business niya, nagre-recruit.

“Kasi ang kanya kasing mga downlines, meron din sa abroad. Iba ang oras doon, kausap naman niya madaling-araw sa atin.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Bakit ayaw mong tigilan na lang ‘yang business mo? Balik ka na lang showbiz. Kasi sa showbiz, ang trabaho mo up to like this lang, tulog ka na after.’

“This one, iba talaga. Kasi ang dream niya, maging top. Kasi five million [pesos] a month daw kikitain niya.

“Sabi ko, ‘Huwag ka masyadong mangarap kasi masama ‘yan sa ‘yo.’

“Parang wala talaga siyang time, every day meron siyang ginagawa.”

Ayon naman kay Ruffa, dalawang taon na ang relasyon nila ni Jordan at going strong daw ang kanilang samahan.

Pero hindi ito sinang-ayunan ni Annabelle.

Sabi niya, “Kunyari lang ‘yan, ‘Day!

“Mas naniniwala ako sa mga anak niya, sinungaling naman ‘yan, e.

“Yung dalawa kasi kakampi ko ‘yan, e, mahilig sa shopping.

“Pinagsa-shopping ko sila kapag nagsasabi ng totoo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media sina Annabelle at Ruffa sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez Season 4 noong Lunes, July 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang presscon din ay nasabi ni Annabelle ang tungkol sa insidenteng pinagdaanan ni Ruffa, kung saan limang minuto raw itong nawalan ng malay at hindi humihinga.

Read: Annabelle Rama breaks down while recalling daughter Ruffa Gutierrez's brush with death

PRESIDENT DUTERTE. Samantala, pinagtawanan lang ni Annabelle ang lumutang na balitang may hinihingi siya diumanong puwesto sa gobyerno kay President Rodrigo Duterte

Saad niya, “Pumunta lang ako dun para mag-congratulate lang sa kanya.

“I didn’t ask any position. Sabi niya, ‘Ano gusto mo, 'Day?’ Sabi ko, ‘Wala.’

“Unang-una, hindi ko naman linya ‘yan, e, wala akong alam.

“I had no experience, not even… hindi ako sanay sa 8 to 5 na office.

“Sikat ka nga, kaya mo ba? Kapag hindi mo kaya, titirahin ka ng mga press.”

Sa ngayon, ilang supporters ni President Duterte ang nabigyan na ng posisyon sa gobyerno; katulad nina Arnell Ignacio, Kat de Castro, at Jimmy Bondoc.

Ang pinakahuli ay ang singer na si Freddie Aguilar na naitalaga bilang commissioner ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Marami ang kumuwestiyon sa appointment ng beteranong singer dahil wala raw itong kakayahang pamunuan ang naturang ahensiya.

Natatawang sabi ni Annabelle tungkol dito, “Yun nga ang sinasabi ko, e, baka ma-question ang beauty ko, 'Day!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN