Cheska Diaz speaks up about son Kiko Estrada dating Barbie Forteza

IMAGE Noel Orsal

Cheska Diaz on son Kiko Estrada's relationship with Barbie Forteza: "I'm happy to hear na nanggaling mismo kay Kiko na he's dating Barbie. At least, you know, my son doesn't beat around the bush. Kaya many people admires his honesty. Minsan nga, he's too honest, but I don't see anything wrong with that."


Hindi raw si Cheska Diaz ang tipo ng ina na nakikialam sa mga nangyayari sa lovelife ng kanyang anak na si Kiko Estrada.

Bilang ina ay nirerespeto raw ni Cheska ang privacy ng anak.

Kapag tinatanong daw siya kung sino ang idine-date ni Kiko, lagi niyang sagot ay hindi niya alam.

Saads ng comebacking actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “My son is already an adult and he can handle those questions na.

“When people ask me about his love life, I always say na wala akong alam and they better ask Kiko na lang.

“In fairness sa anak ko, he’s very honest.

“Hindi niya iniiwasan ang mga ganyang questions kasi wala naman siyang itinatago.

“Kaya if you want a specific answer, siya na lang ang tanungin ninyo.”

Kahit na raw noong panahong nali-link romantically si Kiko sa young actress na si Kim Rodriguez ay walang kinu-comment si Cheska tungkol sa dalawa.

KIKO & BARBIE. Ngayon ay si Barbie Forteza na ang nali-link kay Kiko, at inamin naman ng dalawa na nagde-date sila.

Saad ni Cheska, “When it comes to Kiko’s love life, as much as possible, hands-off ako.

“I know my son at kaya niyang sagutin lahat ‘yan.

“I’m happy to hear na nanggaling mismo kay Kiko na he’s dating Barbie.

“At least, you know, my son doesn’t beat around the bush.

“Kaya many people admires his honesty.

“Minsan nga, he’s too honest, but I don’t see anything wrong with that,” pagmamalaki ni Cheska sa anak.

Pati ang pag-uusap noon ng mag-amang Kiko at Gary Estrada ay hindi rin daw siya nakikialam.

Maayos naman daw ang relasyon ng mag-ama at kung ano ang plano ni Gary kay Kiko noon ay laging nakasuporta si Cheska.

“Noong bata pa si Kiko, when Gary calls, I always give the phone to my son. Silang dalawa ang nag-uusap parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya maayos ang communication nila ever since. Never akong pumagitna sa kanilang mag-ama.

“No one can claim na ipinagdamot ko kay Gary ang anak niya.

“Now that Kiko is of age, direct nang tumatawag si Gary sa kanya.

“I know that Gary is happy for our son.

“He’s getting the big breaks now and, as a mother, siyempre una akong masaya for him.

“I always wish my son the best of luck in everything,” sabi ni Cheska.

BACK TO ACTING. Nagbalik na sa pag-arte si Cheska, at sa bagong afternoon series ng GMA Network na Sinungaling Mong Puso ay mag-ina rin ang role nila ni Kiko.

Sabi ni Cheska, “Why I decided to act again? Siguro dumarating sa buhay natin na we want to go back sa mga ginagawa natin noon.

“In my case, I became a mother too early.

“I got pregnant with Kiko in 1992. I was in my teens.

“So, hindi ko masyadong na-experience yung maging teen actress ako kasi naging mother ako agad.

“But I never regretted anything. Me being pregnant that time was meant to be.

“I occasionally did movies then, pero mas naging priority ko ang naging family ko when I got married na.

“Now that my kids are all grown up, siguro it’s time na ako naman ang maging busy with something else.

“Nagawa ko na ang mga obligasyon ko sa mga anak ko, they are doing well, kaya I want to give showbiz another try.”

Nagbalik sa TV si Cheska via That’s My Amboy at may ginawa siyang indie film na Diyos-Diyosan.

Ngayon ay unti-unti nang nararamdaman ni Cheska ang pagiging artista ulit.

“Sabi nga ni Joko [Diaz, her brother] sa akin, magandang timing na bumalik ako kasi there are roles na for me.

“They are always looking for actresses to play mom to these new actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right timing lang siguro kaya nabigyan tayo ulit ng chance to act.

“Medyo nangapa pa ako noong simula, pero ngayon, it’s all coming back to me,” sabi ni Cheska.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN