Ruffa Gutierrez admits being afraid of her mysterious illness

IMAGE Noel Orsal

Ruffa Gutierrez: "Wala talagang nahanap, that's the weirdest thing, as in wala siyang nahanap. Lahat ng test na, they couldn't find anything wrong with me. Ini-MRI ako, general check-up, nothing. They couldn't find anything, which is more weird."


Tila na-possessed daw si Ruffa Gutierrez sa ilang pagkakataong nawalan siya ng malay at tumigil ang kanyang paghinga.

Ngunit hindi niya eksakto maipaliwanag kung ano ang nangyari sa kanya.

Sabi ni Ruffa, "Parang ganun, e, I was doing things that I didn't know.

"Parang I was acting in a strange way."

Ang huling insidente raw ay nangyari noong isang linggo lamang, kung saan hindi nahimatay siya at hindi huminga sa loob ng limang minuto, kaya isinugod na siya ng kapatid na si Richard Gutierrez sa ospital.

Hindi naman sigurado si Ruffa kung nakunan ang moment na yun dahil may mga camera sa bahay nila para sa kanilang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Kuwento pa ni Ruffa, "Siguro mga five minutes lang, palaging madaling-araw at tulog ako.

"Basta… I don't wanna explain."

Wala raw talaga maalala si Ruffa sa nangyari o sa ginawa niya.

"As in shocked na shocked ako, ganun pala ang ginawa ko."

Ang anak daw niyang si Lorin ang unang nakakita kay Ruffa at humingi ng saklolo sa Tito Richard niya.

Kumusta naman ang dalawang anak niya sa nangyari?

Ayon kay Ruffa, "Well, apparently, pinipisil-pisil daw ako, sinasampal-sampal, wala pa rin daw akong malay.

"So, it's kinda weird."

UNSOLVED MYSTERY. Aminado si Ruffa na may nararamdaman siyang takot sa nangyari sa kanya, lalo pa nga't wala namang makitang dahilan ang doktor sa nangyari sa kanya base sa medical tests na nagawa niya.

"Yung takot, siyempre hindi naman mawawala yun.

"So, habang hindi pa nasu-solve at wala pang answer, I will still be very afraid.

"Wala talagang nahanap, that's the weirdest thing, as in wala siyang nahanap.

"Lahat ng test na, they couldn't find anything wrong with me.

"Ini-MRI ako, general check-up, nothing. They couldn't find anything, which is more weird."

WORRIED BOYFRIEND. Ano naman ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jordan Mouyal sa nangyari sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ruffa, "Well, of course, worried.

"Worried lahat ng tao that's why I don't really want to tell anyone about it.

"Yung mga close lang sa akin ang nakaalam."

Paano naman siya kinu-comfort ni Jordan?

"Pati siya nagtataka, he doesn't also know.

"So when I told him that I'm planning to consult an ispiritista, siyempre he's French, so natawa siya.

"Akala niya, mga nabaliw na talaga kami!" natatawang sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN