Ruffa Gutierrez hopes mom Annabelle Rama gives BF Jordan Mouyal a chance

IMAGE Noel Orsal

Ruffa Gutierrez on relationship with boyfriend Jordan Mouyal: "If ever na hindi kami magkasundo or magkahiwalay kami, nasa amin yun. Whether we end up together or not, it should be because of us and not because of someone."


Kahit dalawang na taon na ang relasyon ni Ruffa Gutierrez sa kanyang French boyfriend na si Jordan Mouyal ay hindi pa rin ito tanggap ng ina ng aktres na si Annabelle Rama.

Paano nila napagtatagumpayan ang kanilang relasyon kahit hindi pabor ang kanyang ina?

Sagot ni Ruffa, “You know, she never gave him the chance.

“She should give him a chance, he’s nice naman.”

Hindi ba mahirap?

“Sanay na ako sa kanya actually!” natawang sabi ng actress-TV host.

Yun na lang ba talaga ang kulang, ang pagtanggap ng ina?

Sabi ni Ruffa, “Well, you know, if ever na hindi kami magkasundo or magkahiwalay kami, nasa amin yun.

“Whether we end up together or not, it should be because of us and not because of someone.”

May isinusulat nga raw libro ngayon si Ruffa na malapit nang lumabas.

At may pakiramdam siyang aaway-awayin siya ng mommy niya dahil dito.

Si Annabelle ba ang bida sa libro niya?

Natawang sabi ni Ruffa, “Kasama siya, kasama siya sa title!

“Hindi pa niya alam.

“At sabi niya, huwag ko raw pag-usapan ang mga exes ko, nakakahiya raw ako.

“E, it’s about my story, and I have to share my story so people can learn from my past experiences.”

REALITY SHOW. Samantala, nasa fourth season na ang reality show ng kanilang pamilya na It Takes Gutz To Be A Gutierrez na ipalalabas sa E! channel.

Ano ang aabangan ng mga manonood ngayong season?

Saad ni Ruffa, “Well, this season, it’s actually different.

“Actually, ang totoo niyan, everybody has a different perception of doing season four.

“Parang hindi lahat sang-ayon, alam niyo yun?

“Yung iba, parang ayaw na, kasi yung privacy namin.

“Si Mond [Raymond Gutierrez], naku, ginawa akong lasenggo nung last season!

“Ayoko nang gawin ‘yan... so we weren’t meeting eye-to-eye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun pala, when you’re working with the whole family, it’s more difficult.

“Actually, I enjoy working more with my co-workers than with my family.

“Kasi it’s so difficult na personal, mi-mix mo sa trabaho.

“So, hindi lahat kami nagkakasundo most of the time.

“Nanalo ang E! because the viewers really wanted to watch our show.

“So we hope that we’re able to give them a good show without really sacrificing our private lives.”

Sa pamilya Gutierrez, ang mga magulang nilang sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez daw ang okey pa ring magpatuloy ang show nila.

Sabi rin ni Ruffa, “Ako, okey rin naman. Okey din naman.

“We just have to fix something.

“It’s either kasi we’re all doing it together or we don’t do it at all.

“Pangit kasi kapag half-baked.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN