Dennis Padilla emotional over accidental meeting with daughter Julia Barretto

IMAGE @billyjamesfitnesscenter Instagram

Dennis Padilla on meeting daughter Julia Barretto at a gym: "Nagpa-picture lang kami. Nagyakap kami sandali. Tapos, alam mo, hindi ako nakapagsalita. Nung yumakap ako, ang nasabi ko lang, 'I love you, anak. Yun lang, maikli lang."


Ibinahagi ni Dennis Padilla na naging emosyunal siya nang hindi inaasahang magkita sila sa gym ng anak na si Julia Barretto.

Lalo pa’t huli niyang nakapiling ang Kapamilya actress sa graduation day nito noong nakaraang taon.

Sabi ni Dennis, “Yung pagkikita namin na yun, one year yun.

“Mahirap [at] masakit mahiwalay sa asawa, pero mas mahirap mahiwalay sa mga anak.”

ACCIDENTAL MEETING. Sa July 21 episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay, ikinuwento ng beteranong komedyante kung paano niya pinigilang mapaluha sa sobrang pangungulila sa anak.

Lahad ni Dennis tungkol sa aksidenteng pagkikita nila ni Julia mahigit tatlong buwan ang nakararaan, “Nagpa-picture lang kami. Nagyakap kami sandali.

“Tapos, alam mo, hindi ako nakapagsalita.

“Nung yumakap ako, ang nasabi ko lang, 'I love you, anak.' Yun lang, maikli lang.

“Tapos lumayo muna ako dahil maiiyak ako, e, ang daming tao.”

Bago umalis ng gym si Julia ay lumapit ulit si Dennis sa anak para magpakuha ng larawan kasama ito.

“Tapos nung matatapos na siyang mag-gym, parang aalis na siya, sabi ko, ‘Julia, puwede ba pa-picture tayo?’ Tapos nagpa-picture kami.

“Yun yung lumabas sa Internet, yung picture namin sa gym.”

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang litrato nila ni Julia kasama ang isang gym instructor na makikita sa Instagram account ng isang fitness center.

MISSING HIS CHILDREN. Ayon pa kay Dennis, umaasa siyang darating ang panahong mabibigyan siya ng pagkakataong mas madalas makapiling si Julia at mga kapatid nitong sina Claudia at Leon.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak ni Dennis sa ex-wife na si Marjorie Barretto.

Pati si Daniella, na anak ni Marjorie sa ex-boyfriend na si Kier Legaspi, ay itinuturing ding anak ni Dennis.

Sabi ni Dennis, “Kasi hindi ko naman itinatanggi yung mga pagkukulang ko.

“Sinasabi ko sa kanila yun—kina Julia, Claudia, Leon, [and] even Daniella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I considered her [Daniella] my daughter kasi ipinagbubuntis pa lang siya, kami na [ni Marjorie], e.”

Dugtong pa ng komedyante, “Dadating ang panahon na [mas madalas ko silang makita].

“Gusto ko sana agad kasi hindi ka naman bumabata.

“Gusto ko sana agad habang malakas pa ako.”

Si Dennis ay mayroon pang dalawang anak na sina Luis at Diane mula sa unang asawa ng comedian.

Sa kasalukuyan, si Dennis ay mayroong four-year-old son sa current girlfriend na si Linda Marie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN