Martin Escudero denies video scandal

IMAGE Noel Orsal

Pinabulaanan ni Martin Escudero na siya ang nasa video scandal na kumalat sa Internet kamakailan. Aniya, ginagamit lang daw ang kanyang pangalan sa naturang video upang siraan siya.


Mariing itinanggi ni Martin Escudero na mayroon siyang video scandal na kumalat sa Internet kamakailan.

Saad ng TV5 star, “Alam mo, narinig ko nga yun, so pinaimbestigahan na rin namin kaya…

“Alam mo naman ngayon, ginagamit talaga tayo sa mga ganung isyu para, alam mo yun, may game sila na iba.

“Ang akin lang dahil… sinisira lang naman tayo, e.

“Yun lang naman ang gusto nilang mangyari kaya huwag na natin pansinin yun.

“Kasi kapag pansinin natin, parang magwawagi sila.

“So, hindi naman tayo yun, ginagamit lang tayo.”

Napanood niya ba ang sinasabing video scandal niya?

Tugon ni Martin, “Oo, at pinasuri na namin ‘to, naka-report na rin sa cybercrime [National Bureau of Investigation].

“So, anytime na gamitin ulit tayo sa mga ganung kapangitan o ano, nakahanda na sila na gumalaw.”

Masasabi ba niyang hindi talaga siya yun?

“Oo, hindi, hindi,” mariing sabi ni Martin.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa grand presscon ng pelikulang That Thing Called Tanga Na, na ginanap kagabi, July 21, sa Valencia Events Place, Valencia, Quezon City.

Kasama rin sa presscon ang iba pang mga bida ng pelikula na sina Eric Quizon, Angeline Quinto, Kean Cipriano, Ken Alfonso, at Lawrence Yap.

Ipalalabas ang pelikula sa August 10.

GAY ROLES. Isang transgender ang role ni Martin sa pelikula.

Ito na ang pangatlong pagganap niya bilang bakla sa pelikula matapos ang matagumpay na Zombadings at ang isa pang indie film na Lady Fish.

Hindi ba siya natatakot na mapaghinalaang bakla talaga siya?

Natatawang tugon ng aktor, “Hindi. Sila ang matakot.

“Enjoy naman, kasi ang ibig sabihin na kinukuha ka sa ganung karakter ay magaling ka.”

Bukod sa paggawa ng pelikula at telebisyon, graduating na rin ni Martin sa kanyang pag-aaral ng HRM sa isang school sa Alabang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN