Coco Martin gets starstruck by PNP chief Ronald dela Rosa

IMAGE Dreamscape Instagram

Coco Martin on PNP chief Ronald "Bato" dela Rosa: "Nakakatuwa, kasi parang napaka-down to earth niya, napakasimple. Nagpapasalamat din ako sa suportang ibinibigay sa amin ng PNP, sa tulong na ipinagkakaloob nila sa amin."


Nag-courtesy call ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa tanggapan nito sa Philippine National Police kahapon, July 21.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkadaupang-palad ang bida ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano at ang bagong PNP chief.

Isang police officer ang role ni Coco sa long-running primetime series ng ABS-CBN.

Coco Martin pays a courtesy call to PNP Chief General Ronald "Bato" Dela Rosa #FPJAPPanatag

A photo posted by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, ikinuwento ni Coco ang paghaharap nila ni Dela Rosa.

“Honestly, na-starstruck ako, hindi ako makapagsalita.

“Sabi ko nga, nakakatuwa, kasi parang napaka-down to earth niya, napakasimple.

“Nagpapasalamat din ako sa suportang ibinibigay sa amin ng PNP, sa tulong na ipinagkakaloob nila sa amin.

“Nagpapasalamat din sila na dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano, naibabalik yung tiwala at pagmamahal sa mga pulis.”

May posibilidad kayang mai-guest din nila sa Ang Probinsyano ang PNP chief?

“Puwede, maaari,” sagot ni Coco.

"Mamamatay ba si Jaime Fabregas?" tanong ni General Ronald "Bato" Dela Rosa kay Coco Martin #FPJAPPanatag

A photo posted by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

HIGH RATINGS. Samantala, labis ang pasasalamat ni Coco na umaalagawa pa rin sa ratings ang Ang Probinsyano sa kabila ng mahigpit na kumpetisyon ngayon sa primetime.

Saad niya, “Siyempre, honestly, napakasarap sa pakiramdam namin dahil talagang pinaghihirapan namin ang aming trabaho.

“Bukod dun, para sa amin, nakakatulong kami sa ating gobyerno, sa buong sambayanan na makakapagbigay ng magandang impormasyon para maiwasan yung mga hindi magagandang gawain ng mga kriminal.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa Ang Probinsyano.

“Nawa’y sa mga simpleng pamamaraan, sa pimpleng pagkukuwento sa bawat episode namin, sana’y makatulong kami sa inyo.

“Ang hangarin namin sa Probinsyano ay maibalik yung pagmamahal, respeto, at tiwala ng ating mga mamamayan.”

Dahil isang matuwid na pulis ang karakter na ginagampanan ni Coco, bilang Cardo, sa Ang Probinsyano, naging instrumento ito upang mapaganda ang imahe at mapalapit muli sa puso ng mga kababayan natin ang mga pulis, na nitong mga nakaraang panahon ay kinatatakutan at nagkaroon ng hindi magandang imahe sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN