Gabbi Garcia is all praises for Marian Rivera: "Hindi siya madamot."

IMAGE Noel Orsal

Actress Gabbi Garcia, who plays the role of Sang'gre Alena in Encantadia, relates how wonderful it is to work with Marian Rivera, who portrays Ynang Reyna Mine'a in the fantaserye.


Ibinahagi ni Gabbi Garcia ang kanyang working experience kay Marian Rivera bilang magkasama sila sa fantasy-series ng GMA Network na Encantadia.

Ginagampanan ni Gabbi ang role ni Sang'gre Alena, na nangangalaga sa brilyante ng tubig; samantalang si Marian ang gumaganap na Ynang Reyna Mine-a, ina ng apat na Sang’gre.

Ayon kay Gabbi, si Marian pa ang nauunang mag-reach out sa kagaya niya at mga kapwa artista sa set.

“Alam mo yung iisipin ng tao, di ba, nakaka-intimidate kasi siyempre Primetime Queen, kaeksena mo, kaiyakan mo.

“Wala siyang pina-feel sa aming lahat na kailangan naming ma-intimidate sa kanya. Sobrang siya rin yung nagri-reach out sa ‘min.

“Siya rin yung talagang pinapa-feel niya sa amin na, ‘It’s okay, puwede kayong magkuwento sa ‘kin.

"'You can do whatever you want to do in front of me.’

“Ang sarap kaeksena na aalalayan ka niya, bibigyan ka niya talaga. Hindi siya madamot.

“Kahit hindi siya kuha ng kamera, kahit wala siya sa shot, talagang bibigyan ka niya.

"For a Primetime Queen, ang humble pa din niya talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers ang 17-year-old Kapuso actress sa isang activity event na pinangunahan ng GMA Artist Center, nitong Huwebes, July 21.

Tanong ng PEP: Hindi ba niya inamin kay Marian na isa siyang tagahanga ng aktres?

Tugon ni Gabbi, “Nahiya ako. Sino ba naman ang hindi naglu-look up kay Miss Marian?

“Yun lang na may isang scene na iiyak ako sa kanya, yung una parang naghe-hesitate pa ‘ko na, 'Shucks, nakakatakot, baka mamaya hintayin niya ako [na makaiyak sa eksena].'

“Pero hindi naman, kasi iba pa rin kapag at ease ka sa katrabaho mo, e, mas dun mo naibibigay.”

Kabilang daw sa ikinukuwento ni Marian sa kanila ay ang tungkol sa anak nitong si Letizia.

“Nagkukuwento pa siya tungkol sa anak niya, tapos nagpapakita pa siya ng photos, yung ganon siya ka-open sa amin. Ang saya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natututo rin daw si Gabbi mula kay Marian upang mas maging mahusay na aktres.

“Siguro nakakuha ako ng tips, kasi siya, ipinapakita niya sa amin sa kahit anong eksena, huwag mong iiwanan ang kaeksena mo.”

OLD VS. NEW. Tinanong din ng PEP si Gabbi kung ano ang masasabi niya sa fans ng orihinal na Encantadia na mas gusto pa rin ang original version kumpara sa bagong version.

Aniya, “You can’t blame them.

“Of course, minahal nila yung old Enca [Encantadia].

“Nasa sa kanila na yun, e. Parang naka-implant na sa kanila yung old Enca.

“Others can’t move on, others can’t accept the new Enca, so let’s give it to the old Enca that’s really nice.”

Dugtong pa ni Gabbi, “This Encantadia, the new one, is for the millennials, for the younger audience.

“Either way, it’s still Encantadia, it’s GMA, so support [natin].

Gayunpaman, meron din mga old fans na nasiyahan sa bagong Encantadia.

Sa unang linggo pa lamang ng nasabing teleserye, lagi itong top trending topic sa Twitter.

Ano ang masasabi ni Gabbi sa mainit na pagtanggap ng mga bago at dating fans ng fantaserye?

Tugon niya, “Sarap sa feeling!

“Kami mismo, iisa ang goal namin, which is matanggap ng viewers, magustuhan nila.

“And we all have the same passion for Encantadia.

“Kaya yung passion namin and yung pagmamahal namin sa show, ang sarap sa feeling na na-transfer namin sa viewers, na pati sila inaabangan nila gabi-gabi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN