Carlo Gonzales reveals Sunshine Dizon confides to him about her marital problems

IMAGE Noel Orsal

Carlo Gonzales expresses admiration for Sunshine Dizon, saying, "Bilib ako sa kanya on how she handles things, kasi ikinuwento rin niya sa akin, point by point… she is a strong woman and I salute her."


Isa si Carlo Gonzales sa malalapit na kaibigan ni Sunshine Dizon bilang family friend ito ng pinsan niyang si Dingdong Dantes.

Gumanap sina Carlo at Sunshine bilang mag-asawa sa dating primetime series na Pari 'Koy at ngayon ay magkasama sila ulit sa Encantadia,

Lahad ng Kapuso actor, “Actually, noong nag-Pari 'Koy kami, naging close kami.

“Ever since naman, when I was not yet in the industry, kilala ko na siya, nakikita ko na siya.

“Family friend sila nila Dingdong, nakikita ko siya sa mga parties.”

Isa rin siya sa mga nag-asalto sa nakaraang birthday ni Sunshine na ginanap sa isang music bar.

Bilang magkaibigan, nagsi-share ba sa kanya si Sunshine tungkol sa marital problems nito?

Tugon ni Carlo, “Nag-open-up siya...

“Siyempre I am not in any position naman to give advice. Wala pa ako sa posisyon na ganun.

“Ang nasabi ko lang, through experience, it’s a typical relationship naman.

“Typical stuff, like, sarili niya muna ang unahin niya.

“Kasi parang yun ang na-take for granted niya noong panahong yun.

“Siguro, now is the time for her to really find himself.”

Hanga raw si Carlo sa tatag ni Sunshine sa pagharap nito sa kanyang sitwasyon, considering na mga bata pa ang dalawang anak nito.

“Bilib ako sa kanya on how she handles things, kasi ikinuwento rin niya sa akin, point by point.

“Kaya sabi ko sa kanya, she is a strong woman and I salute her.

“I’m praying na malagpasan niya ‘to and I believe she will naman.”

NOT YET. Bukod kay Dingdong ay pinsan din ni Carlo ang Kapuso ring si Arthur Solinap.

May pressure ba sa kanyang kasal na si Dingdong kay Marian Rivera at may anak na sila, at si Arthur naman ay nag-propose na sa girlfriend niyang si Rochelle Pangilinan?

“Hindi, marami pa, marami pa akong kuya,” sabi ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang taon na rin ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Luane Dy. Kailan nila balak magpakasal?

“Wala pa naman, kapag nasa table na, e, pag-usapan natin,” nakangiti niyang sagot.

Hindi naman niya nakikitang naiinip si Luane?

“Hindi naman, bata pa kami, bata pa si Luane.

“Kapag naramdaman ko na siguro na hinahanap niya, hindi pa naman, e.”

PRESTIGIOUS. Samantala, iba raw ang pakiramdam ni Carlo na nakasama siya sa cast ng pinakamalaking fantaserye ngayon sa bansa, ang Encantadia.

Saad niya, “Since it’s my first time to do it, fulfilled, another addition to, let’s say, my career resume.

“Siyempre, excited talaga because I grew up watching it.

”Excited ako dahil pinag-igihan talaga, down to the costumes, sa set.”

Ito ba ang pinakamalaking teleserye na nagawa niya?

Sagot ni Carlo, “Parang I still consider Pari 'Koy a big one in terms of the role.

“Production-wise, definitely, I see the preparation.

“Pinagbuhusan talaga nila ng pera, effort ng lahat talaga, and it’s overwhelming.”

Halos lahat ng kasama sa Encantadia ay nagpapahiwatig ng kasiyahan na maging bahagi ng nito. Gaano nga ba ka-big deal na maging bahagi ng fantaserye na ito ng GMA Network?

Ayon kay Carlo, “Ako kasi, iba yung prestige ng show na tinatak niya sa tao.

“Yung prestige na ibinigay nila noong unang Enca, talagang dinala nila, tumatak sa mga tao.

“And now, parang everyone is trying to level up to that, if not, exceeded.

“Nandun ang pressure, definitely.

“Sabi nga nila, with the new technology and everything, expect mo na yung pressure ma-heighten ng ten times.

“Isipin mo lang na yung mga artista before na gumanap, tapos kami na bagong Encantadia cast.

“Yung pressure, e, triple siguro, and with the effects, talagang nahigitan.

“Ang tanong na lang, yung performance ng whole team.”

Katulad ng halos lahat ng cast sa Encantadia, dumaan din si Carlo sa audition bago niya nakuha ang role ni Muros, na orihinal na ginampanan ng pinsan niyang si Arthur Solinap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasabay ko rin halos na nag-audition ang mga nasa cast now.”

Dahil mandirigma ang kanyang role, sumailalim daw si Carlo sa matinding training.

“Kasama dun ang pagpapaganda ng katawan, binody cast pa kami sa mga costumes.

“Kung ano ang hitsura mo dun, you have to maintain it… kung puwede pang pagandahin.

“Nag-arnis kami, combat training, hand-to-hand combat, yung ganun.

“Medyo matagal din yung training, pati martial arts.”

Athletic naman daw siya kaya hindi naman siya nahirapan sa training.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN