Ylona Garcia on taking friendship with Bailey May to the next level: "I don't know, kasi we are still young!"

IMAGE Noel Orsal

Ylona Garcia says that she's happy that despite their popularity, her friendship with loveteam partner and bestfriend Bailey May has not changed. "We're good, we're good friends since it's really a miracle na both of us na showbiz didn't get into our heads and we're still the same."


Masaya ang teen singer at Pinoy Big Brother 737 2nd Big Placer na si Ylona Garcia dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang mag-best friends ng ka-love team niyang si Bailey May.

Ayon sa 14-year-old singer, kahit nakikilala na sila ni Bailey ay hindi pa rin nagbabago ang mga ugali nila.

Sabi niya, “We're good, we're good friends... it's really a miracle na showbiz didn't get into our heads and we're still the same.

“I keep telling him this, 'I'm so glad you didn't change, you're still the same person I knew from PBB.'

“And he's hoping the same thing, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Push si Ylona sa press conference ng kanyang upcoming digital concert na My Name is Ylona, kahapon, July 21.

Ayon pa kay Ylona, ayaw nila ni Bailey na matulad sila sa iba na kapag sumikat na ay nagbabago na ang pag-uugali.

Pagpapatuloy niya, “We try not to let it [popularity] get in our heads.

“We're just really close, lalo na sometimes, di ba, may mga situations where people change slowly.

“Pero kasi there are different types of changes, di ba?

“Pero with me and Bailey, sana it’s a good change.

“Kasi siyempre, with personality-wise, I just really hope me and Bailey won't change and that's one thing I really wish for when we grow up and we become older kasi we're best friends.”

Dahil sa kanilang closeness, madalas na nali-link din ang dalawa simula pa ng pagsasama nila sa PBB 737.

Kaya naman naitanong na rin si Ylona kung naiisip ba nila ni Bailey na i-level up ang kanilang friendship.

Natatawang sagot ng TV-movie personality, “Oh my God, there are levels?!

“I don't know, kasi we are still young!

“We don't want to really talk about stuff like that kasi we're still young pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, you know, love you best friend!”

Sa ngayon ay busy si Ylona sa kanyang upcoming digital concert at album launch. Kasama rin sila ni Bailey sa upcoming horror movie na Bloody Crayons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN