Martin Escudero admits relationship with a beauty queen from Davao

IMAGE Noel Orsal / Facebook of Aiza Faeldonia

Masaya raw si Martin Escudero sa kanyang love life ngayon. Kahit dalawang taon na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Aiza Faeldonia, nananatiling tahimik ang naging relasyon nila.


“Meron, meron.”

Ito ang tugon ni Martin Escudero nang tanungin kung may nagpapaligaya na ba sa kanyang puso ngayon.

Pagbabahagi pa niya, “Non-showbiz. Isa sa ating ipinagmamalaking beauty queen.”

Ang pangalan ng girlfriend ni Martin ay Aiza Faeldonia, na tubong-Davao.

Si Aiza ay sumali sa Binibining Pilipinas noong 2014 at sa Ms. World Next Top Model 2016.

Matagal na ba sila?

Sabi ng 27-year-old actor, “Magtu-two years na rin. Oo, matagal na rin.

“Ano naman, hindi naman kami katulad ng iba na, alam mo yun?

“Tago lang naman kami para tahimik ang buhay.”

Nagli-live in ba sila?

Paglilinaw ni Martin, “Hindi pa kasi nag-aaral pa rin lang naman ako, marami pa akong dapat asikasuhin.

“Darating tayo diyan sa tamang panahon.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa grand presscon ng bagong pelikula ng Regal Films, ang That Thing Called Tanga Na, na ginanap kagabi, July 21.

‘FOREVER STARTS FROM NOW.’ Sa Instagram account ni Martin ay nagpalitan sila ng mensahe ng pagmamahal ni Aiza.

Idinaan nila ito sa pagbanggit ng lyrics ng kanta.


Sagot ni Aiza dito:


May mga ilan pa silang posts na nagpapakita ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN