Judy Ann Santos and Piolo Pascual reunite; assure the public they're okay

Piolo Pascual says former onscreen partner Judy Ann Santos is a big part of his showbiz career. "Seeing her today is nakakatuwa, parang ibinalik yung dati, noong nag-i-start pa lang ako... Sana we get the chance to work together again soon."


Muling nilinaw ng dating magka-love team na sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos na walang problema sa pagitan nilang dalawa.

Napatunayan ito ng mga dumalong miyembro ng media sa launch ng “Money 4 Life” campaign ng Sun Life Financial kaninang tanghali, July 22.

Iniendorso nina Judy Ann at Piolo, kasama sina Matteo Guidicelli at Charo Santos-Concio, ang naturang insurance provider.

Sabi ni Piolo, “I'm so excited because Sunlife got her to be part of the team, we get to work together.

“We've always been okay.

“Kung may problem man before, we were able to arrest and talk about it.

“Siyempre, hindi naman puwedeng isantabi mo lang ang relationship nio, yung pinagsamahan niyo.

“Juday and I have always been okay.”

@officialjuday and @piolo_pascual partner for #Money4Life.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Halos ganito rin ang sinabi ni Judy Ann tungkol sa dating onscreen partner.

Sabi ng aktres sa muling pagsasama nila ni Piolo sa harap ng publiko, “Natatawa ako kanina kasi parang ang feeling ng mga tao ay magkagalit kami.

“Hindi kami magkagalit. Nagbabatian kami kapag nagkikita kami.

“We're older now, we're more matured.

“Maybe nama-magnify lang ng mga fans siguro yung thoughts na kapag nagkasalubong o nagkita.

“Maybe malaking factor na rin yung matagal kaming di nagkatrabaho.

“Siguro isang malaking event para sa kanila ang makita kami sa isang presscon.

“You know, we're okay.”

GRATEFUL TO JUDY ANN. Ayon kay Piolo, lubos ang pasasalamat niya kay Judy Ann dahil sa pagiging malaking bahagi ng kanyang showbiz career.

“She's a big part of my career.

“You know, we did a lot of movies and TV shows together.

“So, napakalaki ng utang ng loob ko kay Juday.

“You know, seeing her today is nakakatuwa, parang ibinalik yung dati, noong nag-i-start pa lang ako.

“So, nakakatuwa because she's still active in the business and so am I.

“Yun lang, sana we get the chance to work together again soon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling may pagkakataon, gusto ni Piolo na muling makasama si Judy Ann sa isang pelikula.

Sa katunayan, may ibinigay na raw siyang ideya para sa posibleng pagsasama nilang muli sa big screen, sa pamamagitan ni Joyce Bernal, ang direktor nila sa Till There Was You (2003) at Don't Give Up On Us (2006).

Ani Piolo, “I actually pitched it to her already through Direk Joyce and sana magustuhan po niya.

“Nagustuhan naman daw po niya.

“Siguro yung time lang po. I thought about that when I was away.”

Ano naman ang masasabi ni Judy Ann tungkol dito?

Aniya, “Palagi ko naman sinasabi na walang imposible.

“Parang every time yata na may presscon hindi naman nawawala ang Piolo sa mga tanong sa akin.

“And I'm always welcome to answer naman na, yes, in time, magkakatrabaho kami, walang imposible.

“Basta mabigyan ng tamang pagkakataon, ng tamang istorya, mapag-usapan ang mga bagay na dapat mapag-usapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN