Piolo Pascual approves of son Iñigo's constant date Kelley Day

IMAGE Noel Orsal (Piolo); Courtesy of Sperry (Inigo and Kelley)

"I'm more excited about what he's gonna go through as a man, independent," says Piolo Pascual about son Iñigo dating GirlTrend member Kelley Day.


Naging mas madalas pa raw ang komunikasyon ng mag-amang Piolo Pascual at Inigo Pascual habang nagbabakasyon ang una sa Europe.

Kuwento ni Piolo, “Actually, kapag nandito nga, hindi kami gaano nakakapag-text.

“Pero nung nasa abroad ako, every day kaming magka-text, so para ding nandito ako.

“Parang naging mas close pa nga kami noong wala ako.”

Matatandaang humiling ng two-month break si Piolo mula sa showbiz, na ginamit niya upang makapag-enrol sa short course na Christian Apologetics sa Oxford University.

Marahil, dahil sa matagal na pagkawala ng ama, sobra ang pagka-miss sa kanya ni Inigo.

Kuwento ni Piolo, “He surprised me when I arrived. He was at home, nasa bahay siya nang dumating ako.”

Dagdag pa niya, “We've been spending time every day ever since I arrived.

“Nag-cancel siya ng trabaho because he wants to spend time with me.

“We've been sleeping together. I'm really happy because he's around me.”

welcome back PapaP @piolo_pascual

A photo posted by @hatima on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Piolo sa launch ng “Money 4 Life” campaign ng Sun Life Financial, ngayong Biyernes, July 22.

EXCITED FOR INIGO. Samantala, tila aprubado naman para kay Piolo ang idine-date ni Inigo, ang GirlTrend member na si Kelley Day.

Ayon sa aktor, naipakilala na sa kanya ng anak si Kelley noong nakaraang Star Magic Games.

Paglalarawan ni Piolo sa Filipina-British talent ng Star Magic, “Mabait na bata. She's very respectful and very responsible din, sincere, yun ang importante.”

Pretty much no words ????

A photo posted by Kelley Day (@itskelleyday) on

Bilang isang ama, excitement daw sa halip na pag-aalala ang nararamdaman ni Piolo para sa anak.

I'm more excited about what he's gonna go through as a man, independent.

You know, kailangan mong matutunan yung mga bagay through your own experiences.

I'm just excited for him for what it can teach him,” pahayag ng Kapamilya star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN