Katrina Halili reveals online spat with follower of Kris Lawrence's alleged new girlfriend

Katrina Halili reveals online spat with a follower of Kris Lawrence's alleged nurse/girlfriend: "Ang sarap sumagot, minsan hindi naman sa galit ka pero parang ang sarap supalpalin. Kaya lang ngayon, nadadala na ako, kaya delete-delete na lang, wala nang comment."

 


Regular na nakakabisita si Kris Lawrence sa anak nila ni Katrina Halii na si Katrence o Katie.

Si Katrina mismo ang nagkumpirma nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakausap namin siya sa set ng Sa Piling Ni Nanay sa Mount Carmel Hospital sa Angeles City, noong Miyerkules, July 20.

Linggu-linggo ba sila nagkikita ni Kris?

“Minsan po, minsan paalis ako 'tapos padating siya,” saad niya.

Paano ang sitwasyon kapag nagkikita sila?

Aniya, “Wala, casual lang, casual.”

At sa tanong kung wala na bang pag-asa na magkabalikan sila ni Kris ay mabilis na sumagot si Katrina.

Diin niya, “Wala!”

Hindi ba sila nag-uusap kapag nagkikita sila?

“Civil lang.

“Siguro konting tanong, konting sagot,” dagdag niya.

Hindi ba nagtatanong si Katie sa set-up nila ni Kris?

Patuloy niya, “Hindi naman po, kasi simula baby siya, kahit dati, hindi naman natutulog si Kris sa bahay ko.

“So wala rin, ganun pa rin. Nakikita niyang umaalis si Kris, nagbaba-bye pa rin siya.

“Pag matutulog, alam naman niyang sa akin siya, e.”

DOES KRIS HAVE A NEW GF? Sa pagkakaalam ng iba ay may karelasyon na si Kris ngayon. May follower nga umano ang karelasyon ni Kris na inaway si Katrina sa Instagram.

Kuwento niya, “Ngayon nga, ayoko nang sumagot. Ano na lang, delete, delete.

“Minsan kasi nakakaano, ang sarap sumagot, minsan hindi naman sa galit ka pero parang ang sarap supalpalin.

“Kaya lang ngayon, nadadala na ako, kaya delete-delete na lang, wala nang comment.”

May comment minsan ang naturang follower na sana raw ay ang girlfriend ngayon ni Kris ang ina ni Katie dahil nurse ito.

Dagdag niya, “'Tapos, may comment pa na ang pangit daw ni Katie. Nakaka-high blood.

“Ang ginagawa ko, delete-delete na lang, kasi hindi naman mawawala yung mga ano.

“Hindi naman mawawala yung mga nambubuwisit, di ba? So delete, delete, delete na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZERO LOVE LIFE. Si Katrina ay walang karelasyon, kahit manliligaw.

“Wala nga, e. Gusto ko ngang maging choosy, wala namang ma-choose,” at tumawa si Katrina.

“Ang joke ko lagi, ‘E baka naman choosy ka?’ ‘Gusto ko nga, e.’

“Wala talaga, hindi naman din po ako lumalabas, e.

“Ano lang, gym, mall.”

Pero hindi naman siya naghahanap?

“Hindi na. Unlike before, siguro dahil kaya wala na rin, wala, wala na rin, e.

“Hindi na po kagaya dati.

“Nung nagka-baby po ako, mas happy na ako.

“'Tapos, church-church, ganyan, mas happy ka na.

“So hindi naman pala lalaki ang nakakapagbigay sa iyo ng happiness,” pahayag niya.

Tatlong taon nang walang boyfriend si Katrina.

IDEAL GUY. Pero kung sakaling magbu-boyfriend siyang muli, ano ang hinahanap niyang mga katangian sa isang future boyfriend o husband?

Sabi niya, “Responsable, mabait, siyempre dun na ako sa yung magpa-family na, di ba?”

Kung makikipagrelasyon siyang muli, diretso kasal na?

Tanggi niya, “Hindi naman.

“Gusto ko yung makakatulong naman sa akin.

“Pero kung hindi naman at magiging pabigat, umalis ka na lang.

“Ako na lang.”

Paano kung magmahal siya ng isang taong hindi naman makakatulong sa kanya?

“Kung hindi naman siya makakatulong, dapat mabait, masipag at saka maabilidad.

“Kasi meron namang hindi mayaman pero maabilidad, di ba?” rason niya.

BONDING WITH CO-STARS. Samantala, maganda raw ang bonding nila nina Yasmien Kurdi at Mark Herras tuwing may taping sila ng Sa Piling ni Nanay.

Lahad niya, “Masaya, para kaming magkakapatid.”

Pinakaunang beses ito na nagsama silang tatlo sa isang regular drama series sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN