Piolo Pascual on viral photo with son Iñigo: "Ganun kami ka-affectionate so mainggit na lang sila."

IMAGE Arniel C. Serato / @hatima on Instagram

Ayaw nang patulan ni Piolo Pascual ang haters at bashers sa social media. Deadma na rin daw siya sa mga taong binigyan ng malisya at ginawan ng kuwento ang larawan nila ng anak na si Iñigo Pascual na magkayakap sa higaan.


Viral ngayon sa social media ang larawan ni Piolo Pascual kung saan yakap-yakap siya ng anak na si Inigo Pascual habang natutulog ang huli.

welcome back PapaP @piolo_pascual

A photo posted by @hatima on

Ang iba ay humahanga sa magandang relasyon ng mag-ama.

Pero may ilang netizens na marumi kung mag-isip, nilagyan ng malisya ang nasabing larawan, at ginawan pa ng kuwento.

"MAINGGIT NA LANG SILA." Sa 15 Silkamazing Years event ng Silka—kung saan si Piolo ang main endorser—na ginanap sa Trinoma Activity Center kagabi, July 23, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor tungkol sa larawan nila ng anak na pinaglaruan sa Twitter.

Pero parang balewala lang ito sa Kapamilya star.

Nakangiti pa niyang sagot, “Hindi na… kumbaga hindi ko na pinagtakahan yun.

“Yun talaga yung nature ng tao, e, mapag… masama yung mapagduda.

“E, my son didn’t see me for two months, you know, so ganun kami.

“Ganun kami ka-affectionate sa isa’t isa so mainggit na lang sila, di ba?”

Sinabi rin ni Piolo na hindi na siya pumapatol sa bashers at haters sa social media.

Aniya, “Sa tagal ko ba naman sa industriya, papatol pa ba tayo?

“Ipinagkibit-balikat na lang yun at mas maraming may kuwentang gawin sa buhay kaysa pumatol.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN