Eric Quizon advises Zsa Zsa Padilla: "Follow your heart."

IMAGE Noel Orsal

Actor/director Eric Quizon on Zsa Zsa Padilla's breakup with Conrad Onglao: "Deep inside I know they're both hurting, kasi di ba nga, sabi nila it takes half the time before you can move on.''


Paano ba sinuportahan ni Eric Quizon si Zsa Zsa Padilla noong mga panahong may pinagdadaanan ito?

Matatandaang nitong Mayo nang lumabas ang balitang nakipaghiwalay si Zsa Zsa sa dating karelasyon na si Conrad Onglao.

Panimula ni Eric, “Well, kami naman ni Zsa Zsa, we’re very good friends, e.

“So of course, nung nalaman ko yung breakup nila, hindi ko muna siya inano, pinabayaan ko muna siya, pinapahinga ko muna siya.

“I didn’t talk about it because I know that she was going through something.

“So until the time na kailangan ko siyang kausapin, kasi may mga kailangan kaming pag-usapan about the estate, so iyon, nung kinausap ko siya...

“Well, like I said, kami ni Zsa Zsa, magkaibigan kami so iyon lang yun.

“Parang ano, sinabi ko naman sa kanya na, 'We’re here,' tinext ko siya when that happened, sabi ko sa kanya, ‘We’re just here for you, so we’re not going anywhere.’”

Ano ang sagot sa kanya ni Zsa Zsa?

Sabi niya, “Thank you, Kaizz [Eric’s nickname]. I know that I can always depend on you guys.’”

Galit ba si Eric kay Conrad?

“Bakit? Bakit ako magagalit sa kanya? Hindi naman ako ang karelasyon niya,” at tumawa ang actor/director.

“The sympathy, yes [for Zsa Zsa], but I don’t see any reason para magalit ako kay Conrad.

“I mean, you know.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eric sa presscon ng That Thing Called Tanga Na nitong nakaraang Huwebes, July 21, sa Valencia Events Place sa Quezon City.

Twenty-three years ding naging partner ni Zsa Zsa ang ama ni Eric na si Dolphy, na pumanaw noong July 10, 2012.

FRIENDSHIP AS FOUNDATION OF RELATIONSHIP. Nagulat daw si Eric sa hiwalayan nina Zsa Zsa at Conrad.

Aniya, “Yes, because they were engaged.

“Akala ko ano na yun, but, I mean in any relationship, gaya nga ng pinag-uusapan nitong pelikula namin, relationships can ano...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, parang puwede mag-work, puwedeng hindi, e.

“Sometimes you think that in the beginning, masaya, okay lahat, but after a while, parang you realize na hindi naman pala magwu-work so…

“Ang pinakaimportante diyan kasi talaga is probably, in any relationship, dapat kasi maging magkaibigan muna kayo.”

Kasama si Eric sa pelikulang That Thing Called Tanga Na ni Direk Joel Lamangan na ipapalabas sa mga sinehan sa August 10. Kuwento ito ng pakikipagrelasyon mostly ng mga gays at closet gays.

Nasa cast din ng nabanggit na pelikula ng Regal Entertainment, Inc. sina Angeline Quinto, Kean Cipriano, Martin Escudero, Ken Alfonso, at Billy Crawford.

ADVICE FOR ZSA ZSA. Na-disappoint ba siya na may kinalaman diumano sa finances ang hiwalayan nina Zsa Zsa at Conrad?

Lahad niya, “I never talk to Zsa Zsa about what really happened.

“Ang sa akin, what’s more important is that I’m more concerned about her well-being more than any problems about... you know, money or what.

“I think that’s out of the question, e. I think at this point, yung concern is more on her well-being, kung okay siya.

“Basta okay siya, gusto niya itong desisyon na ito.

“I know she’s going through something but, if in the end, it’s going to be good for her, then I’m happy for that, I’m happy for her.”

ADVICE FOR ZSA ZSA. May balitang sinusuyo pa rin ni Conrad si Zsa Zsa. Ano ang maipapayo ni Eric kay Zsa Zsa kung ganito nga ang sitwasyon?

Aniya, “Follow her heart. I mean kung ano sa tingin niya ang dapat niyang gawin.

“But ang sa akin, huwag niyang pilitin ang sarili niya or don’t convince herself just because kailangan.

“Hindi puwede 'yan, e.

“I think you have to ask your heart and your mind, and kung ano sa palagay niya yung dapat para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi it’s hard to say na, 'Save the relationship.' Depende yun sa kanya, e.

“It all depends on her, kung ano yung nararamdaman niya.

“And like I said, and gaya nga ng sinabi ko from the time na nag-uumpisa pa lang silang nagsama ni Conrad, I mean if she’s happy with that, then go ahead.

“I mean like I said, at this point, I mean, we’re not getting any younger, Zsa Zsa’s not getting any younger, so my advice to her is just enjoy life first.”

Kahit walang kasalan?

Dagdag niya, “Yeah, I mean she never married my dad but look, she was the longest relationship my dad ever had. So, di ba? Kailangan ba ng kasal?

“I don’t think so.

“That’s why like I said, ang marriage, yes, if you believe in marriage, then go ahead.

“But if you think that you can be in love without marriage, then, well and good.”

Pagpapatuloy pa ni Eric, “One thing with Zsa Zsa, pag kailangan niya ng advice, magtatanong naman 'yan.

“But I think she knows what she wants, e. I mean Zsa Zsa has her own mind and she knows what’s best for her.

“I mean, I don’t have to say kung bakit, pero there were few times na nag-uusap kami, but this was during the time of my dad pa and somehow pagka kailangan niya talaga ng advice, magtatanong talaga yan, ‘What am I gonna do, Kaizz?’

“And like I said, we’re very good friends in the sense that we can tell each other every thing.

“But at this point, she never asked for advice, so I guess she knows what she wants.”

HAS ZSA ZSA MOVED ON FROM BREAKUP? Sa tingin ba niya ay naka-move on na si Zsa Zsa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-aanalisa niya, “I think yes and no.

“Kasi, you know, siyempre may pinagsamahan din sila ni Conrad.

“I mean, hindi mo maaalis yun basta-basta.

“You cannot just say, I think anybody would lie if that person says na, ‘O, after five days or after a month, I’ve moved on na.’

“No, that’s not true, that’s not true.

“You can probably move on, like what, parang to appease yourself and say, ‘O, I’m dating again or I’m seeing somebody else,' but totoo ba yun?

“You’re just doing that because you wanna feel good about yourself.

“But deep inside I know they’re both hurting, kasi di ba nga, sabi nila it takes half the time before you can move on.

“So kung two years sila nagsama, so probably give Zsa Zsa a year and Conrad a year, if it doesn’t work out.”

Dapat bang mag-usap ang dalawa?

“They should, they should talk, but kailangan din kasi pareho silang ready kung mag-uusap sila,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN