Alfred Vargas surprises wife Yasmine Espiritu with a wedding proposal

IMAGE Noel Orsal

Sinorpresa ni Alfred Vargas ang kanyang misis na si Yasmine Espiritu-Vargas nang mag-propose ito ng kasal sa simbahan kagabi, July 23. Una nang ikinasal sina Alfred at Yasmine sa isang civil ceremony sa Supreme Court noong 2010.


Naganap nitong Sabado ng gabi, July 23, ang church wedding proposal ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa kanyang misis na si Yasmine Espiritu-Vargas.

Itinaon ni Alfred ang proposal niya sa favorite number ni Yasmine na 7 at sa kanyang paboritong numero na 23, na petsa rin ng mga kaarawan ng kanilang dalawang anak na babae.

Nangyari ang wedding proposal ni Alfred kay Yasmine sa Lemuria, isang French Mediterranean restaurant sa Quezon City.

Walang kamalay-malay si Yasmine sa naghihintay na sorpresa dahil business meeting sa tiyahin ni Alfred ang sinabi nito sa kanya.

Sa katunayan, nagagalit pa siya kay Alfred dahil, supposedly, family day nila ang Linggo pero may tinanggap na trabaho ang asawa.

Nawala ang tampo ni Yasmine nang makita niya ang malawak na function hall ng Lemuria na napapalibutan ng kandila at ng paborito niyang bulaklak na rosas, habang tinutugtog ng violinist ang "Ngayon at Kailanman," "The First Time I Loved Forever," "I Will Be Here," "Moon River," at iba pang romantic songs.

Tuluyan nang napaluha si Yasmine nang lumuhod si Alfred at alukin siya ng church wedding sa susunod na taon, July 23, 2017.


Naging emosyunal din si Alfred na kabadung-kabado, pero nagawa pa niyang magbiro na baka hindi tanggapin ni Yasmine ang alok niyang church wedding.

Nadagdagan ang kaligayahan ni Yasmine sa pagdating ng kanilang mga anak na sina Alexandra at Aryana na may mga dala na bulaklak para sa kanya.


Unang ikinasal sina Alfred at Yasmine sa isang civil ceremony sa Supreme Court noong August 10, 2010.

Read: Alfred Vargas reveals he is already married to Yasmine Espiritu and they have a daughter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN