Angeline Quinto admits sacrificing relationship with Erik Santos for the sake of family

Angeline Quinto reveals how she sacrificed her potential relationship with Erik Santos for the sake of her family: "Lagi ko namang sinasabi kay Erik na hindi ko po kayang pasamain ang loob ng nanay ko. E, what more pa po kung ilalagay ko na ang sarili sa ganung sitwasyon, yung mag-aasawa na ako?"


Inamin ni Angeline Quinto na nagpakatanga siya sa pag-ibig dalawang taon na ang nakakaraan.

Ito ay yung panahong na-involve siya sa isang non-showbiz guy bago pa man dumating sa buhay niya ang rumored-boyfriend niyang si Erik Santos.

Kuwento ni Angeline sa PEP.ph (Philippine Entertanment Portal) at sa ilang miyembro ng entertainment media, "Hindi po siguro talaga nag-work para sa amin.

“Medyo nagkaroon ng problema dahil naging busy ako sa trabaho ko.

"So, pinagselosan lahat.

"So, pagkatapos nun, si Erik na ang naging malapit sa akin.

"Siya po ang nagpaintindi sa akin na nagkatanga ako.

"Yun lang, yung mga panahong yun, siguro dinaan ko na lang sa mga awitin ang mga sama ng loob ko."

Nakausap ng PEP,ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tanga Na sa Valencia Events Place sa San Juan, noong nakaraang Huwebes, July 21.

HURT. Pero pati ang relasyon nila ni Erik ay nababahiran na rin ng intriga ngayon.

Sa isang panayam nga raw kay Erik kung napag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa, nabanggit raw nito na, 'Bakit? Naging kami ba?'"

Ano ang reaksiyon niya rito?

Kaswal na sagot ni Angge, 'Ganun naman talaga siya sumagot, 'Bakit? Kami ba?'

"Feeling ko minsan, pinatatamaan niya talaga ako, kasi marami ang nagsasabing ginagamit...

"Si Erik po kasi, gusto nang mag-asawa.

"Kasi nga, ilang taon na siya.

"Kapag pinag-uusapan namin yun, very vocal naman ako na wala pa ako sa sitwasyon na ganun."

Iniyakan ba niya ang pangyayaring ito?

Aniya, "Hindi naman po, hindi.

“Minsan kasi, dumarating sa point na nasasaktan ako. Dahil minsan, galit na yung dating ng sagot niya.

"Pero hindi naman."

Ibig bang sabihin nito ay nagkalamigan na sila sa isa't isa?

Paliwanag ng singer-actress, "Hindi naman, kasi may lumabas na pictures noong mga nakaraan, yung kay Rufa Mae [Quinto].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ang daming nagtatanong sa akin kung bakit magkasama pa sila, kung okey ba yun sa akin.

"Nag-guest po kasi noon si Rufa Mae sa It's Showtime, at hurado nun si Erik nung time na yun, at nagkita lang sila."

FOR FAMILY'S SAKE. Ano sa tingin niya ang dahilan na tila nabaliktad na ang mundo nila?

Noon kasi, very vocal si Angeline tungkol sa paghanga niya kay Erik and vice-versa.

Saad niya, "Marami po.

"Unang-una sa sitwasyon namin, sa parte ko talaga.

"Lagi ko namang sinasabi kay Erik na hindi ko po kayang pasamain ang loob ng nanay ko.

"Yung mama ko kasi, everytime na nakikita niya kami ni Erik na lumalabas sa TV, ang daming tanong sa amin kapag umuuwi ako ng bahay – kung kami na ba talaga, kung mag-aasawa na ba talaga ako.

"Yung nalaman pa nga lang ng mama ko yung tungkol kay 'Nay Susan, alam ko na ang sama ng loob niya sa akin, yung tampo.

"E, what more pa po kung ilalagay ko na ang sarili sa ganung sitwasyon, yung mag-aasawa na ako?"

Sayang naman daw yung pagkakataong magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya.

Pahayag niya, "Sayang, sobrang sayang nga po.

"Pero siguro hanggang dun lang.

"Sinasabi niya [Erik] sa akin na gusto na niyang mag-asawa, na gusto na niyang magka-baby."

GENDER ISSUE. Sa patuloy na pagkukuwestiyon sa gender ni Erik, ano ang masasabi niya rito?

Pinagdududahan niya ba ang kasarian nito?

Aniya, "Never po. Never.

"Kahit marami akong naririnig, never.

"Kasi, hindi naman siya ganun sa akin, at hindi ko naman nakita na ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN