Bayang Barrios to sing Philippine National Anthem at SONA 2016

Bayang Barrios reveals how she prepared for her rendition of the Philippine National Anthem for President Rodrigo Duterte's State of the Nation Address (SONA) tomorrow, July 25. "Oo, may kinausap ako kung gaano katagal dapat yung pagkanta, pati yung beat at tempo, dapat marching yung ano. Pati na rin yung tamang lyrics at tamang pagbigkas. Dapat bigkasin nang maayos."


Aminado ang singer na si Bayang Barrios na kinakabahan siya sa gagawin niyang pagkanta ng Philippine national anthem na Lupang Hinirang bago ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, Hulyo 25.

Mas kabado nga raw siya rito kaysa sa ginawa niyang pag-interpret sa awiting “Tinatangi,” kasama si Cookie Chua at The Benjamins.

Ang kantang ito na komposisyon nina Paolo at Miguel Guico ang nanalong second runner-up sa ginanap na PhilPop 2016 Finals Night kagabi, July 23, sa KIA Theater.

“Mas kinakabahan ako doon [sa SONA], kasi ako lang mag-isa, tapos Pambansang Awit.

“Di ba mahirap yung kantahin pag ikaw lang?

“Sana kung nakalinya kayo at marami kayong kumakanta, okay lang.

“Kasi mag-isa lang ako at lahat ng mga tao nakatingin sa iyo,” lahad niya.

Sa kabila ng nararamdamang kaba, higit pa rin daw ang nararamdaman niyang kasiyahan na mapili para kumanta ng Pambansang Awit sa SONA ng bagong Pangulo. Malaking karangalan daw ito para sa kanya.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayang sa nakaparada nilang kotse sa labas ng KIA Theater pagkatapos ng PhilPop 2016.

Mabuti na lang at sinamahan ang PEP ng asawa ni Bayang na si Mike Villegas, na ang komposisyong “Dumadagundong” ay kabilang din sa 12 finalists ng PhilPop.

PREPARATION. Alam din daw ni Bayang na may ilang singers na ang nabatikos sa pagkanta ng Pambansang Awit. Kaya naman tinanong siya ng PEP kung paano niya pinaghahandaan ang pagkanta nito sa SONA.

Pahayag niya, “One at a time lang, kasi ito [PhilPop] pine-prepare ko rin.

“Pero parang breakfast, lunch and dinner ko na iyong… kahit papaano nasa isip ko na palagi iyong Pambansang Awit.”

Kumonsulta rin daw si Bayang sa historical experts para sa tamang pagkanta ng Pambansang Awit.

Sabi pa niya, “Oo, may kinausap ako kung gaano katagal dapat yung pagkanta, pati yung beat at tempo, dapat marching yung ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati na rin yung tamang lyrics at tamang pagbigkas. Dapat bigkasin nang maayos.”

Ano ang expectation niya sa Lunes?

“Nag-e-expect ako na sana maayos yung pagkakanta ko. Sana walang bulilyaso,” dasal niya.

SECOND RUNNER-UP WIN. Samantala, masayang-masaya si Bayang sa pagkapanalo ng second runner-up o third place sa PhilPop 2016 ng awiting “Tinatangi” ng Guico twins. Nagwagi rin ito ng special award na PLDT-Smart Best Music Video.

Itinanghal na grand winner ang komposisyon nina Jazz Nicolas at Wally Acolola, ang “Di Na Muli,” interpreted by Itchyworms. First runner-up naman ang nakuha ng komposisyon ni Soc Villanueva, ang “Lahat,” interpreted by Jason Dy.

Aniya, “Masaya ako for the twins, kasi ang babata nila at first time nilang pumasok sa PhilPop tapos third kaagad.

“So, napakalaking bagay iyon, tapos Best Music Video pa.”

Kahit ba matagal na siya sa industriya ay nakakaramdam pa rin siya ng pressure sa mga ganitong kumpetisyon?

“Of course, kasi kailangan mong mabigyan ng justice yung kanta.

“Dapat ipakita mo na karapat-dapat ka o kami yung pinili nila na mag-interpret ng song.

“Kailangan pa rin naming ibigay ang lahat. I think naibigay naman namin lahat. Sa tingin ko maganda naman ang performance namin,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN